Paano Nagwakas Ang Kabihasnang Minoan? (Sagot)

Paano Nagwakas Ang Kabihasnang Minoan? (Sagot)

KABIHASNANG MINOAN – Sa paksang ito, ating alamin kung papano nawakas ang isang sibilisayong Griyego na ang kabihasnang Minoan.

KABIHASNANG MINOAN

Muli, nalaman natin na ang mga Minoan ay ang unang sibilisasyong Griyego sa pagitan ng mga taong 3000 at 2000 BCE. Alam na rin natin na ang pangalang Minoan ay galing sa hari nilang si Minos.

Ang kabesera ng mga Minoan ay ang lungsod ng Knossos at bantug ang alamat ng Minotaur sa mga Minoans. Ayon sa kanila, ang Minotaur ay ang anak ng napakatanging toro ni Haring Minos at ang asawa ni Minos na si Pasiphaë.

Ngayon, alamin natin kung papaano nagwakas ang sibilisasyong Minoan.

Pagwakas ng Minoan

Ayon sa teorya ni Spyridon Marinatos ng taong 1935 hanggang 1939, may nangyaring napakalaking pagsabog sa isang bulkan na nasa isla ng Thera (na ngayon ay Santorini). Ang bulkan ay nasa 100 kilometrong layo sa isla ng Crete.

Ang pagsabog ng bulkan ang nagpawasak ng Akrotiri na isang bayang Minoan na malapit sa Thera. Ayon rin sa teoryang ito, ang mga abo ng bulkan ay nagdulot ng pagkamatay ng mga pananim sa silangang bahagi ng Crete.

Ayon rin sa teoryang ito, hindi naman raw agad-agad nawasak ang sibilisayon ngunit nagbigay daan ito para lusubin ng mga Mycenaeans.

Leave a Comment