Ang Kabihasnang Minoan At Kabihasnang Mycanean Ng Bansang Gresya
KABIHASNANG MINOAN – Sa paksang ito, alamin natin ang dalawang sibilisasyon ng Gresya: ang kabihasnang Minoan at kabihasnang Mycanean.

Sibilisasyong Minoan
Ang Minoan ay ang unang sibilisasyon ng bansang Gresya noong taong 3000 at 2000 BCE. Ang pangalang Minoan ay karangalan sa hari nilang si Haring Minos.
Ang ninuno nila ay pawang mga magagaling na mandaragat at nakarating sa isla ng Crete noong taong 4000 hanggang 3000 BCE.
Kabesera
Ang pununglungsod nila ay ang Knossos, na ibinanggit ng manunulat na si homer sa kanyang dalawang epikong ang Ilyad at Odisea.
Ang Alamat ng Minotaur
May isang bantog na alamat kung saan ang nilalang na may ulo ng toro at katawan ng tao na tinatawag na minotaur ay nakakulong sa isang labirint sa ilalim ng Crete. Ang kanyang napakalakas na sigaw ay nakapaglilindow raw sa Crete.
Kultura
Ipinapakita ng mga Minoan ang kanilang kultura sa mga fresvo at palayok. Ang isa sa mga ipinapakita nila ay ang Bull Dancing.
Sibilisasyong Mycanean
Ang Mycanean naman ay mga katutubo ng lugar sa paligid ng Dagat Caspian. Lumikas sila doon at nagtatag ng kanilang mga lungsod sa Gresya. Ang pinakatanyag na hari ng Mycanea ay si Haring Agammemnon.
Iliad
Isinulat ni Homer na tungkol sa kuwento ni Achilles na isang Griyegong mandirigma, at ni Hector, isang prinsipeng Trojan. Si Agammemnon ay nasa epikong ito.
Kultura
Naniniwala sila sa haring diyos ng mga langit na si Zeus na naghahari sa bundok ng Olympus. May sistema sila ng pagsulat na ang tawag ay Linear B.
BASAHIN DIN – BANSA NG SILANGANG ASYA – Mga Bansa Sa Silangang Asya