HEOGRAPIYA NG RUSSIA – Ang Topograpiya At Klima Nito
HEOGRAPIYA NG RUSSIA – Sa paksang ito, alamin at tuklasin natin ang heograpiya ng Russia, ang topograpiya at klima nito.
Ang Federasyong Russia o kilala rin bilang Russia ay isang malaking bansa na nasa bahagi ng Silangang Europa at ang buong rehiyon ng Hilagang Asya.
Ito ang pinakamalaking bansa sa buong mundo. Ito ay pinamumunuan ngayon ni Pangulong Vladimir Putin
Topograpiya
Kapatagan
Ang bansang ito ay halos sinasakop ang hilagang bahagi ng Eurasia (ang superkontinete na bumubuo ng Europa at Asya). Ang karamihan sa lupain ng bansang ito ay binubuo ng mga kapatagan.
Ang mga kapatagan na nasa timog ay mga steppe (lugar na may temperaturang katamtaman at subtropikal), habang ang mga kapatagan sa hilaga ay may makakapal na gubat na nagiging tundra patungo sa Arctic.
Bundok
Sa Russia matatagpuan ng mga bulubunduking Caucasus, Altay, Verhojansk, at Ural (ang humahati sa Europa at Asya).
Mga Anyong Tubig
Tanyag rin ang Russia ng mga baybayin sa Karagatang Arctic at Pasipiko at ang mga dagat na nasa bansa katulad ng Baltic, Black, at Caspian. May mga lawa rin ang bansang ito ang Baikal, Lawa Ladoga at Onego.
Mga Pulo
Kabilang dito ang mga pulo o mga arkipeloga na nasa hilagang baybayin ang Novaja Zemlja, Franz Joseph Land, Novosibirskie Ostrova, Wrangel Island, Kuril Islands, at Sakhalin.
Klima
Dahil sa napakalaki ng bansang ito at ang pagkalayo ng maraming lugar sa dagat, ang klima ng Russia ay kadalasang mahalumigmig. Ang mga bundok sa timog ay hinahadlang ang mainit na hangin na mula sa Dagat ng India.
Ang kadalasan sa Hilagang Europeong Russia at Siberia ay may klimang sub-arktiko na may matinding tag-lamig sa mga rehiyon ng Siberia.
Sa baybaying bahagi ng Krasnodar Krai sa Dagat Ittm, ang klima doon ay mahalumigmig na subtropiko na may malumanay at basang tag-lamig. Dalawa lamang ang nangyayari na panahon sa Russia: tag-araw at tag-lamig.
BASAHIN DIN: Davao Region – Ano Ang Ipinagmamalaking Produkto Nila? (Sagot)