Pagtalakay Sa Ipinagkaiba at Halimbawa ng Babala & Paalala
HALIMBAWA NG BABALA & PAALALA – Narito ang isang pagtalakay sa ipinagkaiba ng babala at paalala at kanilang mga halimbawa.
Kadalasan, marami tayong mababasa sa mga naka-paskel sa mga pampublikong lugar lalong-lalo na sa parke. Mayroon din nito sa mga lugar kung saan may ipinapatayong gusali.
Ang ating mga nababasa ay nagbibigay sa atin ng ideya kung ano ang dapat gawin. Ito maaaring isang babala o isang paalala.
Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang ipinagkaiba ng dalawa at ang mga halimbawa ng babala at paalala. Sana’t marami kayong matutunan mula sa rito.
Ano ang babala?
Ang babala ay inilalagay upang mapalayo ang sakuna o pinsala na maaring maidulot ng isang bagay o pangyayari. Kadalasan, ito ay makikita sa mga lugar na ipinapatayong gusali, kung ang sahig sa pook-pasyalan ay basa, o kung marami nang nangyaring aksidente sa isang daan.
Mga Halimbawa:
- Basa ang sahig.
- Tumawid sa tamang tawiran.
- Huwag masyadong mabilis sapagkat lapitin sa disgrasya ang daan na ito.
- Bawal tumambay dito.
- Mag-ingat sa aso.
Ano ang paalala?
Ang paalala ay ginagamit upang bigyang-diin ang mga mahahalagang impormasyon na ipinapatupad. Ito ay paalala ng dapat gawin ng tao.
Mga Halimbawa:
- Panatalihin ang katahimikan sa loob ng bahay-aklatan.
- Bawal pumasok ng hindi naka uniporme.
- Mag-ingat sa pakurbadang daan.
- Bawal pumasok ang walang ID.
- Bumili muna ng ticket bago pumasok sa sinehan.
BASAHIN RIN: ANYO NG PANGUNGUSAP – 4 Na Anyo, Kahulugan & Mga Halimbawa