TALAMBUHAY NI MANUEL L QUEZON – Ang Ikalawang Presidente Ng Pilipinas
TALAMBUHAY NI MANUEL L. QUEZON – Sa talatang ito, ating alamin at tukasin ang talambuhay ni Manuel L. Quezon, ang ikalawang presidente ng Pilipinas.
Si Quezon ay kinikilalang “Ama ng Wikang Filipino” at siya rin ang tinaguriang “Ama ng Republika ng Pilipinas” at “Ama ng Kasarinlang Pilipino. Siya ang unang presidente ng Commonwealth ng Pilipinsa ngunit siya ang ikalawang presidente sapagkat ang namumuno bago kay Quezon ay si Hen. Emilio Aguinaldo.
Ipinanganak si Quezon sa ika-19 ng Agosto sa taong 1877 o 1878 bilang opisyal na taon ng pagkaanak sa kanya sa lungsod ng Baler, Tayabas. Ang kanyang ama ay si Lucio Quezion, isang guro sa Paco, Manila, at Maria Dolores Molina na isang guro rin.
Si Quezon ay tinuruan ng isang pribadong guro mula taong 1883 hanggang 1887. Pumasok siya sa San Juan de Letran na nagtatapos sa sekondarya noong 1889. Nagtapos siya ng summa cum lause sa kursong Bachelor of arts sa Unibrsidad ng Santo Tomas (UST).
Muling nag-aral si Quezon ng abogasya sa UST ngunit natigil ito ng pansamantala sahil sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Sumali si Quezon sa kilusang rebolusyonaryo at naging aide-de-camp ni Aguinaldo hanggang sa nabihag si Aguinaldo. Nakatapos sya ng abogasya sa UST pagkatapos ng digmaan.
Nagsimula siyang nagtrabaho bilang isang clerk at surveyor bago naglingkod sa gobyerno bilang isang piskal ng Mindoro noong 1903 at sa Tayabas noong 1904. Nagbitiw si Quezon sa tungkulin noong Nobyembre 1904 at pumasok sa pribadong pagsasanay mula taong 1906.
Inihalal si Quezon bilang konsehal at sa huli ay naging Gobernador ng Tayabas nong 1906 at naging miyembro ng Philippine Assembly, at Majority Floor Leader at Chairman ng Appropriations Committee mula 1907 hanggang 1909.
Noong 1909, inihalal siyang residenteng komisyoner sa Kongreso ng Estados Unidos ng Lehislatura ng Pilipinas. Sa panahong ito, ninanais niyang maging isang malayang bansa ang Pilipinas, kaya nagtalumpati sa noong Fourth of July noong 1991, na kung saan ito ang sinasabi niya:
“Kami ay nagpapasalamat kay Ginoong Taft at sa mga Amerikano para sa kanilang mga ginawa para sa amin, ngunit ayaw naming maging isang kolonya. Gusto namin ng kalayaan.”
Noong 1912, bilang sagot sa inilathala ng New York Times na “Philippines the Key to our Success in the Far East”, ito ang sinabi ni Quezon:
“Panahon na para sa mga tumitingin sa Pilipinas bilang isang negosyo, na lumantad at sabihin ito kapag kanilang sinusulong ang pananatili ng mga isla bilang sakop ng Amerika, sa halip na tabunan ang kanilang totoong hangarin ng mga dahilang nakakainsulto sa pambansang dangal ng mga Pilipino. Huwag nilang sabihin na ang Estados Unidos ay nananatili sa Pilipinas hindi dahil sa gusto nitong magpalawak ng teritoryo, hindi dahil sa naghahangad itong kumita, kundi upang bigyan ang mga isla ng isang mabuti at matalinong Pamahalaan, na hindi kayang itatag at panatilihin ng mga Pilipino ng kusa.”
Dahil doon, nakauwi si Quezon noong 1916 na na may dalang Batas Jones, na nagsasad na kilalanin ang kasarinlan ng mga Pilipino.
Naging Senador sa ikalimang Distrito si Quezon noon 1916 at sa huli naging Pangulo ng Senado hanggang 1935.
Noong 1918, naglakbay-dagat siya patungong Amerika bilang isang pinuuno ng unang misyong Kalayaan sa Kongreso ng Estados Unidos. Sa ika-17 ng Disyembre, ikinasal niya ang kanyang pinsang si Aurora Aragon y Molina at may apat silang anak na sina Maria Aurora, Maria Zeneida, Luisa Corazon Paz at Manuel L Jr.
Sa taong 1935 ay nahalal sa pagkapangulo ng Republika ng Pilipinas si Quezon na kalaban niya si Aguinaldo at Gregorio Aglipay. Nagsilbi si Quezon bilang pangulo sa loob ng dalawang termino.
Sa panahon ng pagsasakop ng Hapon ay lumikas ni Quezon sa Corregidor kung siyan siya nanunumpa bilang Pangulo sa harap ng Malinta Tunnel. Napilitan siyang lumikas sa isang submarino papuntang Visayas, Mindanao, hanggang sa makarating siya sa Australia, na diyan itinayo niya ang pamahalaang desterado ng Commonwealth ng Pilipinas.
Sa 1942, inilagda ni Quezon sa White House ng Washington D.C. ang United Nations Declaration sa ngalan ng Pilipinas. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na ang watawat ay itinaas kasama ang watawat ng ibang bansa.
Namatay si Quezon noong 1944 sa sakit na tuberculosis sa Saranac Lake, New York. Ang nakalagay sa kanyang himlayan ay:
“Statesman and Patriot, | Lover of Freedom, | Advocate of Social Justice, | Beloved of his People.”
BASAHIN DIN – LEÓN KILAT – Interesting Facts About The Visayan Hero