BIONOTE – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin ang kahulugan ng tinatawag na bionote at ang dahilan, layunin, katangian, mga bahagi at halimbawa nito.
Kahulugan
Ito ay ang maikling paglalarawan ng manunulat na ang gamit ay ang pananaw ng ikatlong tao na kadalasang inilalakip sa kaniyang mga naisulat. Ito rin ay isang nakapagtuturong talata na nagpapahayag ng mga katangian ng manunulat at ang kaniyang kredibilidad bilang propesyonal.
Dahilan
Sinusulat ito para malaman ng mga mambabasa ng karakter at kredibilidad sa larangang kinabibilangan, ito rin ay isang daan para maipakilala ng manunulat ang kanyang sarili sa mga nagbabasa.
Layunin Nito
Ang layunin nito ay ito’y ginagamit para sa sariling profile ng isang tao parang katulag ng kanyang academic career at iba pang nalalaman ukol sa kanya.
Mga Bahagi Nito
- Personal na impormasyon – mga pinagmulan, ang edad, ang buhay kabataan hanggang sa kasalukuyan
- Kaligirang pang-edukasyon – ang paaralan, ang digri at karangalan
- Ambag sa larangang kinabibilangan – ang kanyang kontribusyon at adbokasiya
Mga Katangian ng Ayos na Bionote
- Maikli ang nilalaman
- Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
- Kinikilala ang mambabasa
- Gumagamit ng baligtad na tatsulok mula sa pinakamahalaga hanggang sa hindi gaanong pinakamahalaga
- Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
- Binabanggit ang degree kung kailangan
- Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
Halimbawa
JOHNSON, JONAS – Isinilang sa lungsod ng Derry sa bansang Ireland at diyan siya nakapagtapos ng hayskul sa Coleraine. Ninais niyang maging isang fighter pilot ngunit hindi siya kwalipikado. Ngunit kahit hindi niya makamit ang pagiging piloto ay may nalalaman na siya sa mga makina. Sa kasalukauyan ay nagtatrabaho siya sa isang pamilihan ng machine parts bilang isang drayber ng delivery truck. Isa rin siyang miyembro ng isang pangkat na pawang mga taong hindi angkop sa lipunan na tinatawag na pinamumunuan ng isa ring misfit na si Franz Piero.
BASAHIN DIN – ANO ANG SANAYSAY – Ang Kahulugan At Mga Elemento
para sakin kailangan mong intindihin kung pano gumawa ng isang bionote na kailangan lahat ng detalye ay nakasulat.
Ang bionote ay ginagamit upang maging maayos ang isang talata .