URI NG LIHAM – Ano Ang Dalawang Malaking Uri At Ang Mga Kauri Nila
URI NG LIHAM – Sa paksang ito, alamin natin ang dalawang malaking uri ng liham at ang iba’t ibang mga kauri ng dalawang uri nito.
Alamin muna natin ang kahulugan ng liham
Kahulugan
Ang liham o sulat ay isang mensaheng isinulat na naglalaman ga kaalaman, lihim, balita, o saloobin ng isang tao na ibibigay sa kapwa tao.
May dalawang uri ang liham: Pangkaibigan at Pangangalakal
Liham na Pangkaibigan
Ang liham na pangkaibigan ay kadalasang ginagamit upang binabalita, kinukumusta, nag-aanyaya, bumabati o nakikiramay sa namatay.
Mga uri ng liham-pangkaibigan
- Pagbabalita – madalas itong sulatin. Ipinabbaatid natin ang balita ng ating buhay o mga nangyayari sa atin sa ating mga kaibigan o mahal sa buhay.
- Paanyaya – ginagamit ito upang umanyaya sa tao sa isang mahalagang okasyon o pagtitipon. Nakalahad nito ang ano ito, kailan, at saan ang magaganap.
- Pagtanggap – nakasaad ang pagtiyak sa pagdalo. Ang pagpapadala ng liham nito upang matiyak ang nag-anyaya kung ilang bisita ang aasahin niya ay isang mabuting kaugalian.
- Pagtanggi – kabutihang-asal rin ang pagpapadala ng pagtanggi upang hindi na aasa ang nag-aanyaya na dadalo ang inaaanyayahan.
- Pakikiramay – ito naman ang pakikiisa sa kalungkutan o nararamdaman ng sinusulatan at kadalasan itong sinusulat para sa namatayan.
- Paumanhin – ito ay nagsasaad ng paghingi ng tawad o dispensa sa pagkakamaling ginawa, sadya man o hindi.
Liham na Pangangalakal
Isang formal na uri na nagsasaad ng makapag-ugnayan sa mga tanggapan o opisina. Kailangan nito ng mga katangiang malinaw, maikli, magalang, tapat, mabisa, maayos, malinis at makinilyado.
Mga uri ng liham-pangangalakal
- Pagpapakilala – isinulat upang irekomensa ang isang tao sa trabaho o ang isang bagay o produkto na inendorso
- Aplikasyon – sinusulat upang humanap ng trabaho
- Pamimili – nagsasaad ng mga bagay o panindang bibilhin na ipinadadala sa koreo
- Subskripsyon – naglalahad ng intensyon sa pagsubskribo ng pahayagan, magasin at iba pa.
- Nagrereklamo – naglalahad ng reklamo o hinaing.
- Nagtatanong – nagsasaad ng paghihingi ng impormasyon
BASAHIN DIN – PHILIPPINE FOLK DANCES – List Of Filipino Dances