Farmer Couple Wrote Open Letter To Duterte Over Increasing Prices Of Basic Commodities

Farmer Couple Wrote Open Letter To President Duterte Over Increasing Prices Of Basic Commodities

A farmer couple wrote an open letter to President Duterte expressing their concern about the high prices of basic commodities yet cheaper prices of their farm products.

Nowadays, most Filipino people are affected by the increasing prices of food products and basic necessities.

The increased prices of grocery goods seem to add the burden of the Filipino people who were mostly earning a minimum wage only.

Farmer Couple

A Facebook user named “Tagum Homes” has shared her sentiments regarding the increasing prices of basic commodities yet the prices of their farm products remain cheap.

Mr. and Mrs. Robles wrote an open letter to President Duterte regarding their concern and other farmers who remain below the poverty line.

Farmer Couple

The couple was also asking for help from the president to pay attention to the agriculture sector seeking uniformity on the product’s prices.

Farmer Couple

Here is the full post:

“Dear Mr. President, 
Isa po kami ng asawa ko na nagpa-farming. Naoberbahan lang po namin na masyadong mababa ang presyo ng mga produktong pansaka, tulad ng copra na ngayon ay P21.00 per kilo nalang, samantalang ang mahal ng coconut cooking oil nasa P70.00-80.00 per kilo.
Ang bigas P50.00 na po per kilo ang 160 na variety, pero tuwing anihan ng palay binibili lang po ito nang P21.00 per kilo.
Ang raw rubber na iniExport, tiyak kong mahal ang pagkakabili ng mga foreign businessmen pero binibili po ito sa amin nang P21.00-P25.00 per kilo.
Maraming mga farmers ang nanlulumo dahil dugo at pawis ang kanilang inilalaan para magtanim at alagaan ang kanilang mga produkto pero pag harvest time kadalasan bagsak ang mga presyo dahil sa mga kapitalistang abusado, gusto lang nang malaking income, paano naman ang mga magsasakang nagpakahirap upang maka-produce ng maraming pagkain sa hapagkainan ng bawat Pilipino? 
Lubos akong nasasaktan dahil ang mga farmers dito sa Pilipinas karamihan mga mahihirap, iilan lang ang mayayaman. 
Ang #DA at #Pagro, yes may naitulong sila kahit papaano, pero sa mga iilang farm land owners lamang, hindi namin ramdam ang mga programa ng Gobyerno, nasaan na po ang mga budget na dapat sana inaayuda sa mga farmers? Nagbibigay sila ng mga libreng seedlings, pero kadalasan hindi mga ideal na tanim tulad ng kilala namin, nabigyan sya ng mga binhi ng mais, pero iilan lang ang tumubo, gumastos sya from planting, bumili ng mga abuno pero walang bumalik sa kanya, dahil hindi namunga. Kaya ginagawa namin, bumibili nalang kami sa mga may pangalang nurseries or agrivet stores dahil tiyak naming may tutubo at may income kahot papano. 
Meron ding binibigay na mga libreng coconut seedlings, tinanggap ng mga farmers, tinanim, pero pagdating ng harvest time, bagsak na naman ang presyo?

Sa lugar namin, maraming mga farm owners na pinaparentahan nalang nila ang kanilang mga lupa sa mga negosyanteng nag-eexport ng mga bananas at mga foreign investors, sa halagang P25,000 per hectare per year sa kadahilanang walang sapat na puhunan ang mga magsasaka. Ang gagawin nila i-clearing ang mga nasabing lupain, at taniman ng mga saging, malaki ang epekto nito sa mga nakapaligid dito, sa mga tao (due to aerial spraying), sa mga hayop at sa mga karatig bukirin na pag-aari ng mga maliliit na mga farmers kaya yung iba binebenta o pinapaRent na rin dahil lugi na sila.

Ang programa ninyong loan para sa mga magsasaka, maraming kuskos balungos, sana gawin itong simple at madali para di mahirapan ang mga farmers na i-comply ang mga requirements. Kelangan ka pa kasing gumastos nang malaki-laki rin para lang maKumpleto lahat ng requirements, sa appraisal pa lang, P4,500 na kaagad. 
Kaya nga po uutang kami para may pangCapital at nang magkaroon ng maraming tanim ang aming mga bukirin, makabili ng mga abuno, insecticides, herbicides at para makaProduce ng sari-saring produkto na kinukonsumo ng karamihan sa atin. 
Sana po mahal na Pangulo #RodrigoDuterte mabigyang pansin ang sektor ng mga magsasaka. Magkaroon ng uniformity ang mga presyo ng mga produkto at dapat may kontrol ang Gobyerno, yung presyong magCompensate naman sa mga pagod namin. Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang
Mr. & Mrs. Richie Robles of Tagum City

#mindanaofarmersassociation
#mindanaoscooperative”

What can you say about this? Just feel free to leave your comments and reactions to this article.

Leave a Comment