Kahulugan ng Maikling Kwento at Halimbawa Nito
MAIKLING KWENTO – Narito ang kulugan nito at ilang mga halimbawa ng kwentong mapupulutan ng magandang aral.
Sa asignaturang Filipino, maraming iba’t ibang aralin ang itinatalakay sa mga mag-aaral. Inayon ang mga aralin sa baitang ng mga mag-aaral at isa ito sa mga asignaturang itinuturo sa elementarya, sekondarya, at kolehiyo.
Sa katunayan, sa mga baitang bago sa elementarya ay itinuturo na ang Filipino sa mga maliliit na mga bata. Isa sa mga kwento na itinuturo sa mga bata ay tungkol sa Maikling Kwento.
Ito ay mga maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayari tungkol sa buhay ng isang tao, grupo ng mga tao, hayop, o sa kahit ano pa man. Sa ibaba, mababasa ang isang halimbawa ng maikling kwento.
Totoong Kaibigan, Totoong Kapatid
Sa bayan ng Ligaya, may dalawang batang matalik na magkaibigan na sina Pablo at Diego. Magkapitbahay ang mga pamilya ng dalawang bata at parehos silang nanggaling sa mahihirap na pamilya.
Karpintero ang ama ni Diego samantalang mangingisda naman ang ama ni Pablo. Ang kanilang mga ina ay palaging magkasamang maglabada. Araw-araw ay naglalaro ang dalawang bata na perahas ring sampung taong gulang.
Dahil sa lagi silang magkasama, palagi ring napagkakamalang magkapatid sina Diego at Pablo. Magkahawig sila ng mukha at mas mataas lang kaunti si Pablo.
Parang magkapatid na sina Pablo at Diego at may pangako silang palaging tutulungan ang isa’t isa. Parehos silang nais makaahon sa hirap. Nais ni Pablo na maging doktor samantalang gusto ni Diego na maging isang pulis.
Isang araw, nang sila ay nasa hayskul na, tinutukso si Pablo ng ilan nilang mga kaklase na kapwa mga lalaki sapagkat nautal siya nang siya ay tinanong ng guro sa klase. Hindi napigilan ni Diego na ipagtanggol ang kaibigan at nasuntok niya ang isa sa mga kaklase nila.
“Isusumbong kita sa guro mamaya, alam mo na sigurong kapatid mo si Pablo kaya ganun na lang kung ipagtanggol mo siya,” sabi ng kaklase nila.
Nagulat si Diego sa sinabi ng kaklase nila. Hindi ito ang unang beses na narinig niya iyon. Sobrang tahimik niya nang naglalakad sila pauwi.
“Ang dami sa kanila ang nagsasabing magkapatid talaga tayo, noh? Alam mo, tinanong ko si Nanay tungkol diyan, wala naman siyang nasabi,” sabi ni Pablo sa pagtatangkang basagin ang katahimikan.
Kasunod nun ay nagsalita si Diego na nagsabing kahit ano pa man ang mangyari, magkapatid ang turingan nila at walang magbabago ‘dun. Nang makarating na sila sa kanto ay nakita nila inaawat ang kanilang mga ama sa pag-aaway.
“Kung hindi ko tinanggap iyang anak niyo malamang parehas nang patay sa gutom yung kambal,” sabi ng ama ni Diego na narinig ng dalawang bata.
Gulat na gulat si Diego na napatakbo pauwi sa kanila. Pagdating sa kanilang bahay ay galit niyang tinanong sa ina niya ang narinig niya. Ipinaliwanag naman ng ina ni Diego na ipinaampon siya ng kanyang totoong mga magulang na mga magulang rin ni Pablo dahil sa kahirapan sa buhay.
Subalit, kahit na ipanaampon nila si Diego ay ayaw nilang mawalay ito sa kanilang mga paningin kaya mas pinili nilang mga kapitbahay nila ang kumuha rito. Umiyak at nagalit si Diego sa mga narinig. Simula noon, unti-unting nang nag-iba si Diego sa lahat, maging sa kanilang pagkakaibigan ni Pablo.
Isang araw, napaaway si Diego at nang makita ni Pablo ay hindi ito nagdalawang-isip na tulungan siya. Subalit, sa kanyang pagtulong ay kapalit naman ng muntik na niyang ikamatay.
Nag-agaw buhay si Pablo sa ospital at ipinangako ni Diego na magbabago siya at ibabalik niya ang dating siya. Sa awa ng Diyos ay nakaligtas si Pablo. Naging matalik na ulit silang magkaibigan at totoong magkapatid.