Ano ang mga nangyari sa panahon ng Komonwelt? Alamin!
PANAHON NG KOMONWELT – Ang panahon ng Komonwelt ay nagsimula noong 1936 hanggang 1947 at ito ang mga pangyayari sa panahong ito.
Ang pagbuo ng komonwelt o Commonwealth ay naibatay sa Batas Tydings-McDuffie kung saan ang panahong ito ay ang panahong pan-transisyunal. Ito ang panahon ng paghahanda para sa ganap na kalayaan at soberanya ng bansa na isinaad sa Philippine Autonomy Act o Batas Jones.
Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng panahong ito at ang pangalawang pangulo ay si Sergio Osmena.
Sa Batas sa Pambansang Depensa ng 1935, maraming bagay ang isinaad para maging organisado.
Kasama na dito ang hukbo ng bansa,pagkontrol sa ekonomiya, pagpapatibay ng mga demokratikong institusyon, pagbabago sa edukasyon, pagsasaayos ng transportasyon, promosyon ng lokal na kapital, industriyalisasyon, at kolonisasyon ng Mindanao.
Ito ang ilan sa mga importanteng pangyayari sa panahong ito:
- Nagtatag ng hukbong pamhimpapawid o Air Force, hukbong Pandagat o Navy, hukbong Lupa o Army.
- Napaibayo ang katarungang panlipunan katulad ng mas pinahalagahan ang mga manggagawa.
- Si Heneral Douglas McArthur ang hinirang ng pangulo bilang Tagapayong Militar at Field Marshall.
- Pagtayo ng National Rice and Corn Corp, National Sugar Board, Agricultural and Industrial Bank, National Relief Administration, at marami pang iba.
- Ilan sa mga mahahalagang programa ay:
- National Defense Act
- Women’s Suffrage Act
- Pagtatag Ng Pambansang Wika
- Katarungang Panlipunan (Minimum Wage Law, Eight-Hour Labor Law, Tenant Act, Court Of Industrial Relations, Homestead Law)
Sa pangkalahatan, ang layunin ng pamahalaang ito ay ihanda ang bansa para sa sariling pamamahala, patatagin ang sistemang pulitikal, at paunlarin ang kabuhayan ng bansa para maging isang ganap na malayang bansa.
Subalit ang ganap na pagiging malaya ng bansa ay naantala dahil sa World War 2.
READ ALSO:
- Bionote Halimbawa – Iba’t Ibang Halimbawa Ng Bionote
- Paglaganap Ng Kristiyanismo – Ang Pagpapalaganap Ng Kristiyanismo Sa Bansa
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.