Graduating Student in Tears After Being Denied Entry Over Wrong Shoes 

Graduating Student Gets Emotional After Being Denied Entry on Graduation Day Over Wrong Shoes 

A female graduating student bursts into tears after being denied entry to her graduation over wrong shoes. 

Recently, Cybelle Rio Jhane Hembra, a Facebook user, shared her heartbreaking experience online after she was denied entry to her own graduation ceremony at the Iloilo Convention Center because of her shoes. The post garnered various reactions from the online community. 

Cybelle was excited for her big day. She had saved up money from side jobs during college to buy her own pair of black Parisian closed shoes, which were on sale for P400. She was proud buying her first branded shoes with her own earnings.

Graduating Student

Based on the school’s announcement, all students were only required to wear plain black closed shoes. So, she thought she was all set.  

However, when she arrived at the venue with her mother, a faculty member told her that her shoes were not allowed because they had a strap. Even after removing the strap, another staff member stopped her again and said her shoes still didn’t meet the requirements. 

Hembra tried to explain that she had no other pair and couldn’t afford to buy a new one, but she and her mother were still told to leave the area. To her dismay, she noticed other students wearing similar shoes were allowed inside. 

Graduating Student

Eventually, she was able to re-enter the venue, but her mother was no longer permitted in because they were marked as latecomers. As she lined up for her diploma, someone again asked her to change her shoes. 

The graduating student borrowed a classmate’s pair just in time, but the experience left her heartbroken. 

In another post, a female student in graduation toga visits inmate father

Here is the full post: 

Pasensiya na kung hindi “congratulations” ang gusto kong tanggapin ngayon… 

Hindi ko naman alam na yung sapatos na pinaghirapan kong bilhin ang sisira ng graduation ko.  

Black parisian close shoes. Naka-sale siya tag 400 lang. Bilang minsan lang ako maka-earn ng sarili kong pera mula sa mga raket na bumubuhay sa’kin sa college, binili ko na para sa Graduation namin.  

Excited ako kasi ngayon lang ako nagkaroon ng shoes na branded pero kaya kong bilhin.  

Ang alam ko, “black close shoes” ang hinihingi nila. Walang picture o basis na pinadala. Sa akin, masaya ako kasi may black close shoes ako na ako bumili.  

Graduation Day. Masaya akong pumapasok sa Iloilo Convention Center kasama si nanay kasi alam kong magiging masaya ang araw na to. Hanggang sa sinabihan ako ng isang faculty na dapat walang strap kasi dapat plain lang. Tinanggal ko yung strap pero pinigil pa rin kami ng isa pang babaeng marshall at sinabihang bawal talaga yung sapatos ko. Nanglamig ako at natakot sabi ko sa kanya wala po akong pamalit. Wala akong extra para bumili.  

Pilit kami pinapalabas sa may pinakakanan na pintuan. Sabi niya kay nanay kasalanan ko daw dahil nag-announce sila. Oo naman, nag-announce pero sabi sa announcement “plain black close shoes,” hindi ba ito yun?  

Noong dumako na kami sa gilid, pinigilan rin kami ng guard kasi bawal daw doon lumabas. Sabi pa niya kausapin na lang sila kasi mag-uumpisa na baka di na ko umabot. Lumipas na lang ang mga oras nakita ko kung paano nila palagpasin ang mga may katulad kong sapatos. Kaya kong tukuyin kung sino-sino yun. Hanggang sa ilan pang mga minuto kasama ko na ang ilan na may problema rin sa sapatos.  

Yung isa black close shoes pero may silver na design (see picture sa comsec). Yung dalawa close naman pero may strap sa likod. 

Paano yan kung ito lang ang pinakamagandang sapatos na kaya namin bilhin. Paano yun wala kaming extra para sa hinihingi niyo? Wala man lang bang konsiderasyon? 

Naiiyak ako. Pinalabas kami. Pinili ng mga magulang ng mga kaibigan ko na patatagin ang loob ko. Hanggang sa nakapasok ako ng ICON ulit kaso si nanay hindi na pinapasok kasi napabilang na kami sa late comers. 

Akala ko ayos na. Okay na eh sa loob na kami, aakyat na lang ako sa stage, kukuha ng diploma, at magpapapicture.  

Sinuot ko ulit ang sapatos ko. Meron namang extra na ipapahiram sakin kaso nasa malayo pa.  

Nung nakalinya na kami sa baba ng stage may biglang humawak ng kamay ko. Binulungan ako, “palitan mo yang sapatos mo, humiram ka sa kaklase mo.”  

Ayokong umalis sa linya kasi alam ko namang hindi kita ang sapatos sa live o kahit sa led wall dahil sa mga bulaklak na palamuti ng stage. Pero hindi ko maintindihan. Bakit ayaw pa rin akong bigyan ng konsiderasyon.  

Bumalik ako sa aking kaklase at humiram ng sapatos. Nawawalan na ako ng pag-asa dahil alam kong papalapit nang tawagin ang aking pangalan. Kahit mangiyak-ngiyak na ako tumakbo ako papuntang stage umakyat nang may mapaklang ngiti. Hindi ako maganda sa larawan na iyon alam ko. Sayang yung 150, dalawang araw ko pang baon yun. 

Buong durasyon ng seremonya nakatulala lang ako. Naiiyak, nanghihina, pinagdadasal na sana panaginip lang lahat ng ‘to.  

Hindi ko naman alam na yung dapat ay masaya kong graduation ay masisira pala ng sapatos na pinaghirapan ko. 

Ps. Add ko po yung pic na tinanggal ko po yung strap para lang makapasok (4th and 5th pic) 

The social media users expressed their reactions to the post:  

Leave a Comment