Kilalanin ang Iba’t Ibang Uri Ng Mga Anyong Tubig Sa Tala Sa Ibaba
MGA ANYONG TUBIG – Narito tala ng ang iba’t ibang uri ng anyong tubig at ang mga katangian ng bawat isa sa kanila.
Maraming uri ng anyong tubig ang matatagpuan sa buong mundo. Isa ito sa mga topikong itinatalakay sa mga mag-aaral sa elementarya. Sa ibaba, mababasa mo ang iba’t ibang anyong tubig at ang mga natatanging katangian ng bawat isa.
Ilog
Isa sa mga pinakatanyag ng anyong tubig ang Ilog. It ay mahaba at makipot at umaagos patungo sa dagat. Kadalasan, ito ay mula sa isang maliit na sapa o sa itaas ng bundok or burol.
Karagatan
Sa lahat ng mga anyong tubig, ang karagatan ang pinakamalawak. Ito rin ang pinakamalalim na anyong tubig at may maalat itong tubig. Ang sumusunod ay ilan sa mga kilalang karagatan sa mundo:
- Karagatang Pasipiko
- Karagatang Atlantiko
- Karagatang Indian
- Karagatang Artiko
- Karagatang Southern
Dagat
Ang dagat ay may maalat rin ang tubig pero mas maliit ang sukat nito kung ihahalintulad sa karagatan. Nakadugtong ito sa karagatan at ito ang ilan sa mga dagat:
- Dagat Timog Tsina
- Dagat Pilipinas
- Dagat Sulu
- Dagat Celebes
- Dagat Mindanao
Look
Ang look ay tinatawag na “braso” ng isang dagat. Ito ay kadalasang ginagamit bilang kanlungan ng mga sasakyang pandagat katulad ng bapor. Kadalasan, dito nilalagay ang mga sasakyang pandagat kapag may malakas na bagyo.
Golpo
Isa rin sa mga anyong tubig ay ang golpo na isang malaking look. Sa isang golpo, ang pinakapanloob at kurbadang rehiyon ay tinatawag na look.
Lawa
Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Kadalasan, matabang tubig sa lawa at matatagpuan ang mga ito sa Hilagang Hemispero.
Bukal
Isa rin sa mga pinakatanyag na mga anyong tubig ay ang bukal. Ito ay ang anyo ng tubig na sumusulpot sa mga siwang ng bato at kadalasang matatagpuan sa dalisdis ng bundok or sa mga lugar na may bulkan. Malamig ang tubig sa bukal.
Kipot
Ang kipot o tinatawag rin na kakiputan ay isang makitid na lagusan ng tubig sa gitna ng dalawang pulo.
Talon
Ang talon ay isa rin sa mga kilalang mga anyong tubig. Ito ay mabilis makilala sapagkat ito ay may katangian na matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa.
Sapa
Ang sapa ay isang maliit na anyong tubig. Kadalasan, ang sapa ay natutuyo kapag tag-init.
Batis
Ang batis ay tinatawag rin na saluysoy o ilug-ilugan. Ang anyong tubig na ito ay may patuloy na pag-agos at karaniwang malamig at malinis ang tubig na dumadaloy rito.