Kilalanin ang mga Bayani ng Pilipinas at Kanilang Mga Nagawa
MGA BAYANI NG PILIPINAS – Narito ang talaan ng mga kilalang bayani ng bansa at ang kanilang mga nagawa para sa kalayaan nito.
Ilang taong nasakop ng mga Kastila ang bansang Pilipinas. Maraming mga bayani ang nag-alay ng kanilang mga buhay sa pakikipaglaban para sa kalayaan nito at ng mga mamamayang Pilipino.
Ang mga bayani ng bansa ay nakipaglaban sa iba’t ibang paraan. Panigurado, marami pang mga bayani ang hindi kilala ngunit narito ang talaan ng ilan sa mga pinaka kilalang bayani ng bansa at ang kanilang mga nagawa.
Jose Rizal
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang Pambansang Bayani ng bansang Pilipinas. Nakipaglaban siya sa pamamagitan ng kanyang mga nobelang naisulat partikular na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Andres Bonifacio
Isa rin sa mga pinaka kilalang bayani ng Pilipinas si Andres Bonifacio na nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunanng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na kumilos para sa pakikipaglaban sa mga mananakop ng bansang Pilipinas.
Heneral Antonio Luna
Si Heneral Antonio Luna ay kilala bilang isa sa mga pinakamatapang at pinakamagaling na heneral. Isa rin siyang parmasiyotiko na namatay siya sa kanyang paninindigan sa panahon ng rebolusyonaryong Pilipino sa gitna ng Digmaang Pilipino-Amerikano.
Apolinario Mabini
Si Apolinario Mabini ay kilala bilang “Dakilang Lumpo”. Isa siya sa may malaking ambad sa muling pagkabuhay ng La Liga Filipina na siyang isa sa mga paa ng Kilusang Pang-reporma.
Gabriela Silang
Karamihan sa mga bayani ng Pilipinas ay mga lalake. Isa sa mga iilang babaeng bayani ng bansa ay si Gabriela Silang, ang matapang na asawa ni Diego Silang na isang Ilokanong maghihimagsik. Siya ang namuno sa grupo na pinamunuan ng kanyang asawa laban sa mga Kastila sapagkat namatay si Diego.
Lapu-Lapu
Isa rin sa mga pinakakilalang bayani ng Pilipinas ay si Lapu-Lapu na pinaniniwalaang nakipaglaban sa pananakop ng Espanya at ang labanan ay humantong sa pagkamatay ni Ferdinand Magellan.