Aralin Tungkol sa mga Barayti ng Wika 2023 at mga Halimbawa
BARAYTI NG WIKA 2023 – Narito ang walong (8) barayti, ang kahulugan ng bawat isa, at ang mga halimbawa nila.
Maraming barayti ng wika sa Filipino. Ito ay mga grupo ng pananalita na nagiging sanhi ng pagkakaintindihan ng mga tao na may mga kanya-kanyang sariling wika. Sa ibaba, makikita ang talaan ng iba’t ibang uri ng barayti ng wika.
![Barayti ng Wika 2023](https://philnews.ph/wp-content/uploads/2023/09/Barayti-ng-Wika-2023.jpg)
Mga Barayto ng Wika 2023
Idyolek
Ito ay tumutukoy sa indibidwal or sariling istilo ng pananalita na tumatak na sa nakararaming tao. Nagiging simbolo ang personal na paggamit ng wika katulad ng lamang ng mga sumusunod na salita:
![Wika](https://philnews.ph/wp-content/uploads/2023/09/Wika.jpg)
- “Ang buhay ay weather weather lang.” – Kim Atienza
- “Hindi ka namin tatantanan.” – Mike Enriquez
- Magandang Gabi, Bayan!” – Noli de Castro
Dayalek
Ito ang isa sa pinakatanyag sa mga barayti ng wika. Ito ay mga salitang gamit base sa dimensyong heograpiko o sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. Narito ang mga halimbawa:
- Tagalog – Bakit?
- Ilocos – Bakit ngay?
- Hiligaynon – Ngaa?
- Bataan – Baki ah?
- Pangasinan – Bakit ei?
Sosyolek
Tinatawag rin itong sosyalek. Ito ay pansamantalang barayri ng wika. Ginagamit lamang ito ng partikular na grupo at may kinalaman ito sa katayuang sosyo ekonomiko ng mga nagsasalita. Narito ang mga halimbawa:
- Wa facelak girlfash mo. (Pangit ang girlfriend mo.)
- Ala na akong datung. (Wala na akong pera.)
- May amats na ako ‘tol. (May tama na ako kaibigan.)
Etnolek
Ito ay mula sa etnolonggwistang grupo dahil maraming pangkat etniko. Ito ay isa sa mga nagbibigay pagkakakilanlan sa bawat pangkat etniko. Narito ang mga halimbawa:
- Palangga = iniirog, minamahal, sinisinta
- Bulanim = naglalarawan ng hugis ng buwan
- Kalipay = tuwa, saya, ligaya
Ekolek
Ito ay mga wikang kadalasang ginagamit lamang sa loob ng isang tahanan. Malimit itong ginagamit sa pakikipagtalastasan.
- Pappy = Tatay
- Palikuran = Banyo
- Mumsy = Nanay
Pidgin
Ito ay ang barayti ng wika na walang pormal na ekstraktura. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na may kanya-kanya ring sariling wika. Narito ang mga halimbawa nito:
- Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt.
- Ako kita ganda babae.
- Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado.
Creole
Ito ay ang mga pananalita na mula sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal o mula sa magkaibang lugar hanggang ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar.
- Buenos dias = Magandang Umaga
- Mi nombre = Ang pangalan ko…
- Buenos noches = Magandang gabi
Register
Ito ay ang barayti ng wika na espiyalisyadong ginagamit ng isang domeyn. Narito ang mga grupo ng mga salita na halimbawa ng ganitong barayti:
- Mga salitang binabaliktad
- Mga salitang jejemon
- Mga salitang ginagamit sa partikular na propesyon lamang