Maunlad Na Bansa – Paano Masasabing Maunlad Ang Isang Bansa?

Ang mga katangian ng maunlad na bansa. Ano-ano ang mga ito?

MAUNLAD NA BANSA – Ito ang mga palatandaan na nagsasabing ang isang bansa ay maunlad. Ito ang mga katangian nito.

Kailan nga ba masasabi na ang isang bansa ay maunlad?

Ang pagiging maunlad ay layuning ng napakaraming bansa pero ito ay hindi madaling matamo. Ang kaunlaran ay tumutukoy sa kabubuang kita ng pamahalaan sa isang taon at paano nila ito maibabahagi bilang paglilingkod sa mga mamamayan.

Ito ay maiuugnay din sa kalidad ng pamumuhay ng mga tao at sitwasyon ng lipunan. Ang ilan sa mga palatandaan ay makikita sa kalidad ng buhay ng mga tao at mga imprastraktura sa paligid.

Maunlad Na Bansa

Ang maunlad na bansa ay may mataas na antas ng ekonomiya, malawak na access sa edukasyon at kalusugan, matatag na pamahalaan, at mataas ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Ang mga indikasyon ay maari ring makita sa sukat ng gross domestic product (GDP), human development index (HDI), at iba pang mga socio-economic indicators.

Ito ang ilan pang mga katangian ng kaunlaran isang bansa:

  • May sapat na resources para matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
  • Maayos na serbisyo para sa mga mamamayan tulad ng access sa maayos na edukasyon, serbiysong pangkalusugan, maayos na transportasyon, at walang nagugutom.
  • Malaki ang produksyon ng mga produkto.
  • Maganda ang takbo ng ekonomiya.
  • Mas mababa ang krimen dahil konti ang mga naghihirap.
  • May ganap na industriyalisasyon.
  • Mataas ang kita ng bawat mamamayan at malaki ang bahagdan ng mga taong may hanapbuhay.
  • Mataas ang lebel ng teknolohiya.
  • Mabuting kalusugan ng mga mamamayan.

Ilan sa mga bansa na maituturing na maunlad ay Netherlands, United States, Norway, Switzerland, Germany, Canada, Australia, Germany, France, United Kingdom, at New Zealand.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment