KAHULUGAN NG PATRIOTISMO – Ang pagmamahal sa bayan o patriyotismo ay gampanin ng mga mamamayan at ito ang kahulugan nito.
Maraming mga paraan para maipakita ang ating marubdub na pagmamahat para sa bayan. Ito ay sa pamamagitan ng pakikilahok sa interes ng mayorya, pagsasawata sa mga kilos na di makatarungan, pagtangkilik sa sariling atin, at marami pang iba. Alamin ang kahulugan ng salitang ito.
Ano Ang Patriotismo? Halimbawa At Kahulugan Nito
Heto Ang Mga Halimbawa Ng Patriotismo At Kung Ano Ang Kahulugan Nito
PATRIOTISMO PARA SA PILIPINAS – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano ang ibig-sabihin ng patriotismo at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Maraming paraan ng pagpapakita ng patriotismo. Kahit estudyante man, may pamilya na, o kaya’y nagtatrabaho sa ibang bansa, ang patriotismo para sa ating bansa ay maibibigay.
Kapag sinabi natin na patriotismo, tinutukoy natin ang pagmamahal sa ating bansa. Kapag nagpapakita tayo ng patriotismo, tayo ay bumibigay ng respeto sa ating bansa, kasarinlan, watawat, at lahat ng mga tao o likas na yaman na nakapaloob dito.
Heto ang mga halimbawa kung paano ipapakita ang patriotismo:
Pag-aaral ng mabuti – Maaari itong ipakita sa iba`t ibang paraan, kabilang ang mga saloobin, salita, at kilos. Pero, isa sa mga paraan upang maging mas epektibo ito ay kung ang isa estudyante ay may tamang kaalaman tungkol sa kanyang bansa, kasaysayan, at iba pa.
Pagrespeto sa watawat ng Pilipinas – Ang watawat ay simbolo ng kasarinlan ng ating bansa. Ito ang palatandaan na tayo ay malaya. Kaya naman, kapag nakakita tayo ng watawat, dapat itong bigyan ng respeto.
Bumili ng mga produktong ginawa sa iyong pamayanan – Ang pagtangkilik sa sa sariling atin ay isang magandang paraan upang ipakita ang patriotismo. Maraming mga produkto na maganda sa Pilipinas, ngunit, mas napipili pa rin ang mga gawa ng dayuhan.
Panatilihing buhay ang ating kultura at tradisyon – Kasama ang kultura at tradisyon sa kasarinlan ng ating bansa at ang mga taong napaloob dito. Kaya naman dapat nating pag-aralan ang mga bagay katulad ng mga karunungang bayan, mga gawang sining, panitikan, at iba pa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Slogan Tungkol Sa Makabansa Halimbawa At Kahulugan