Pamana Ng Kabihasnang Egypt – Ano Ang Mga Ito?

PAMANA NG KABIHASNANG EGYT – Ang Egypt ay tinatawag na “Pamana Ng Nile” at ito ang mga pamana ng kabihasnang ito.

Ang Egypt ay mayaman sa agrikultura at ang ilan sa kanilang mga produkto ay ubas, pipino, pakwan, trigo, papiro, at marami pang iba. Ito ang ilan sa kanilang mga ambag sa daigdig.

Kabihasnang Egypt At Ang Kanilang Mga Mahahalagang Ambag

Ano ang mga ambag ng Kabihasnang Egypt? Alamin kung ano ang mga ito.

KABIHASNANG EGYPT – Ang Egypt ang isa sa mga pinakamakapangyarihan na sibilisasyon at ito ang mga kontribusyon nila.

Sa wika, sining, kultura, relihiyon, at agham, marami ang mga naipamana ng mga taga-Egypt. Ang kanilang kabihasnan ay umusbong sa lambak ng Nile at ito ay matatagpuan sa Hilagang-Silangan ng Africa.

Pinaliligiran ito ng mga bansa at tanyag na lugar tulad ng Syria sa Hilaga, Nuba naman sa Timog, Pulang Ilog sa Silangan, at Disyerto ng Libya sa Kanluran.

Noong unang panahon. ang tawag sa Egypt ay The Gift Of The Nile. Ang Nile River ang nagsilbing maayos na ruta sa paglalakbay ng mga panahong iyon.

Kabihasnang Egypt

Sila ay pinamumunuan ng mga Pharaoh at karamihan sa kanila ay mga magsasaka, mangangalakal, at mandirigma. Ito ay nahahati sa dalawa – ng Upper Egypt at ang Lower Egypt. Ang pagbabahagi ay dahzil sa mga bagay na hindi nila napagkasunduan.

Ito ang ilan sa mga mahahalagang bagay at imbensyo na naiambag sa daigdig:

  • paggamit ng kalendaryo
  • sistema ng patubig at irigasyon at pag-iiimbak ng tubig
  • pag-eembalsamo o mummification
  • paggamit ng Hieroglyphics o ang mga sagradong guhit
  • pagkaimbento ng papyrus mula sa isang halaman
  • paggawa ng mga piramide at ang mga natatanging istruktura ng Egyptian na nanatili hanggang sa kasalukuyang panahon
  • mga istrakturang bato
  • tumulong sa pagbuo ng matematika, geometry, at astronomiya
  • ang pagtayo ng Great Pyramid of Giza at Sphinx

Ang kabihasnang Egyptian ay natapos nang sila ya sakupin ng Roma. Ang kanilang pamamayagpag ay natapos noong 30 BC. sila ang isa sa mga pinakamalaking impluwensya sa mga kultura ng Greece at Rome.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment