Panghalip Na Panao – Kahulugan At Mga Halimbawa Sa Pangungusap

Ano ang panghalip na panao at mga halimbawa nito?

PANGHALIP NA PANAO – Ang panghalip ay mayroong limang uri at sa aralin na ito, tatalakayin natin ang panghalip na panao.

Ang mga panghalip ay ang mga salitang humahalili o pamalit sa pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na mga pangungusap. Ito ay pronoun sa English.

Ito ang mga salita na pamalit sa ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari.

Ginagamit ito upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit ng isang pangngalan. Ito ay may limang uri: Panao, Pamatlig, Pananong, Panaklaw, at Pamanggit.

Panghalip Na Panao

Ang panghalip na panao ay “personal pronoun” sa English at ito ang mga salita na inihahalili sa mga ngalan ng tao.

PanauhanPanauhanPanauhan
Kailanan (Anyo)UnaIkalawaIkatlo
Isahanako, ko, akinikaw, ka mo, iyosiya, niya, kanya
Dalawahankata, kita
Maramihantayo, kami, amin, atin, natinkayo, inyo, ninyosila, nila, kanila

Kailanan:

  • Isahan kung saan ito ay ginagamit pangngalang pangtao na binabanggit ay isa lang.
  • Dalawahan naman ay ginagamit kapag ang binabanggit na pangngalan ng tao ay dalawa lamang.
  • Maramihan naman ay tumutukoy sa marami o grupo ng mga tao.

Mga halimbawa sa pangungusap:

  1. Si Elsa ay may kapatid na isang lalaki at dalawang babae.
    Siya ay may kapatid na isang lalaki at dalawang babae.
  2. Ako at si Richard ay kabilang sa mga estudyanteng with highest honors.
    Kami ay kabilang sa mga estudyanteng with highest honors.
  3. Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
  4. Sa iyo ang pag-ibig ko.
  5. Kayo na ang bahala sa mga gamit dito sa paaralan.
  6. Ibinibigay ko na sa iyo ang sasakyan ko.
  7. Huwag mo akong iwanan at pabayaan.
  8. Ang guro na ang bahala diyan.
    Siya na ang bahala diyan.
  9. Si Mama at Papa ay umalis ng sabay kanina.
    Sila ay umalis ng sabay kanina.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment