Ano ang mga palatandaan ng kakapusan? (Signs of Scarcity)
PALATANDAAN NG KAKAPUSAN – Ano ang mga iba’t ibang palatandaan ng kakapusan or mga signs of scarcity? Alamin dito!
Ang ating mga resources ay limitado at dahil dito, nangyayari ang kakapusan o scarcity. Masyadong malawak ang topikong kakapusan pero ito ay isang problemang pang-ekonomiya – kulang, salat, kakurampot limitado, at di sapat.
May dalawang uri ng scarcity – absolute scarcity at relative scarcity.
Ang absolute scarcity ay dulot ng mga non-renewable na resources. Nahihirapan ang mga tao at kalikasan na paramihin ang mga pinagkukunang yaman dahil nga ang mga ito ay non-renewable.Ang relative scarcity naman ay kapag ang pinagkukunang yaman ay hindi makasabay sa pangangailangan ng tao.
Ang ilan sa mga dahilan nito ay ang mga sumusunod:
- Pag-aaksaya/pang-aabuso
- Dumadami at lumalaking populasyon
- non-renewable ang ibang likas na yaman
- tuluyang pagkaubos ng mga limitadong likas na yaman
- kalamidad
Ano ang mga palatandaan ng kakapusan?
- gutom
- pagkakasakit
- kamatayan at kamatayan dulot ng pagkakasakit at pagkagutom
- gulo o giyera
- kahirapan
- kakulangan ng pagkain
- pagkaubos ng ibang yamang likas
- polusyon
- pagkapinsala ng mga likas na yaman
- mataas na presyo
- mabagal na pag-unlad ng ekonomiya
- pagkasira at pagkaubos ng mga hayop, halaman, at mga bagay na walang buhay
Ang kakapusan ay dahil sa limitado kang iskang produkto o likas na yaman na mayroong mataas na demand. Kapag may kakapusan, mayroong pagtaas ng presyo. Ito ay isang magiging malaking suliranin kapag kabilang sa mga ito ay ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao tulad ng bigas.
Mayaman o mahirap man ng isang bansa, lahat ay dumaranas ng kakapusan. At ito ay nagiging panlipunang suliranin kapag kapag hindi nakakamit ng tao ang kanyang layunin.
READ ALSO:
- Mga Ambag Ng Kabihasnang Mesopotamia Sa Daigdig
- Kabihasnang Tsino – Ano Ang Kanilang Mga Ambag Sa Mundo?
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.