WALONG KARAPATAN NG MAMIMILI – Alamin at pag-aralan ang walong karapatan ng tao bilang isang mamimili.
Bilang isang mamimili, tayo ay bumibili ng mga produkto o serbisyo na naaayon sa ating mga pangangailangan. At sa ating pamimili, tayo ay may karapatan na dapat nating malaman. Ito ang walong karapatan na ito.
Karapatan Ng Mamimili Na Dapat Na Pinangangalagaan
Ano ang mga karapatan ng mamimili? Alamin ang mga ito.
KARAPATAN NG MAMIMILI – Sa pagbili ng mga produkto o serbisyo, ang mga mamimili ay may mga karapatan na dapat pangalagaan.
Ang pagbili ng mga produkto at serbisyo ay llginagawa para matamo ng mimili kapakinabangan nito batay sa kanyang kagustuhan at pangangailangan. At ang mga kagustuhan at pangangailangan ng tao ay walang katapusan.
Ang isang mamimili ay tinatawag din na konsyumer.
At bilang isang konsyumer, tayo ay may mga karapatan at pinakamahalaga ay ang pagiging matalino. Kailangan na tayo ay matalino para maiwasan natin ang maloko at madaya dahil hindi lahat ng mga nagtitinda ay tapat.
Ito ang walong karapatan ng mga mamimili:
- Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
Ito ay tumutukoy sa ating karapatan na magkaroon ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, bahay, pangangalagang pangkalusugan, edukasyon, at iba pa. - Karapatan sa Kaligtasan
Ito ang ating kaligtasan mula sa mga panindang masama at makapagdudulot sa atin ng panganib. - Karapatan sa Patalastasan
Ito ay para maiwasan natin na masamantala ng iba, malinlang, at madaya. - Karapatang Pumili
May karapatan tayo na pumili at bumili ng iba’t ibang produkto. - Karapatang Dinggin
Ang kapakanan ng mga mamimili ay isinasaalang-alang. - Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan
Ito ang ating karapatan na mabayaran dahil sa mga produkto na nagdulot ng pinsala o mababa ang uri. - Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili
Ang mga mamimili ay may karapatan sa consumer education na nagbibigay ng kinakailangan nating kaalaman para sa isang matalinong pagbili. - Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran
Ito ay tumutukoy sa ating karapatan na magkaroon ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at sapat na mga kalagayan sa buhay.
READ ALSO:
- Nang At Ng Pinagkaiba (Kaibahan At Gamit Sa Pangungusap)
- Salik Na Nakakaapekto Sa Pagkonsumo (Ano ang mga ito?)
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.