Alamin ang mga tungkulin ng mamimili, ang mga pananagutan bilang isang konsumer.
TUNGKULIN NG MAMIMILI – Bilang isang matalinong konsyumer, dapat ay alam natin ang ating mga tungkulin at narito ang mga ito.
Ang Tuwirang Pagkonsumo, Produktibong pagkonsumo, Maaksayang pagkonsumo, Mapanganib na pagkonsumo, at Lantad na Pagkonsumo ay ang mga iba’t ibang uri ng pagkonsumo.
At bilang isang konsyumer, tayo ay dapat na maging matalino. At ang pagiging matalino ay dapat na maalam din sa ating mga tungkulin at mga pananagutan.
Ang Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines) ay isang batas na nagpo-protekta sa interes ng mga mamimili. Mayroon ding mga ahensiya ang pamahalaan na isinusulong ang akapakanan ng mga mamimili.
Ayon sa Kagawaran ng Kalakalan at Industriya, ang isang mamimili ay may limang pananagutan.
Ito ay ang mga sumusunod:
- Mapanuring Kamalayan
Ito ang pagiging mapanuri sa gamit, halaga, at kalidad ng mga produkto o serbisyo. - Pagkilos
Ito ang paggawa ng dapat para hindi mapagsamantahalahang at madaya ng mga hindi tapat na manininda. Tungkulin natin na ihayag ang ating sarili para makamit natin tungo na makatarungan. - Pagmamalasakit na Panlipunan
Ito ang pagbibgay malasakit sa iba lalo na sa mga tao na maliliit o walang kapangyarihan. Dapat ay ating alamin ang kung ano ang bunga ng ating pagkonsumo sa iba. - Kamalayan sa Kapaligiran
Ito ang pagiging maalam sa resulta ng ating mga gawain na hindi wasto. Kapag hindi tama o inaabuso ang kapaligiran para sa ating konsumo, lubos na maaapektuhan ang mga tao. - Pagkakaisa
Ang pagtatag ng isang samahan para tayo ay may lakas at maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.
READ ALSO:
- Karapatan Ng Mamimili Na Dapat Na Pinangangalagaan
- Salik Na Nakakaapekto Sa Pagkonsumo (Ano ang mga ito?)
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.