Salik Na Nakakaapekto Sa Pagkonsumo (Ano ang mga ito?)

Ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo? Alamin dito.

SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO – Ang pagkonsumo ay gawain ng lahat at ito ang mga bagay na nakakaapekto dito.

Ang pagkonsumo ay ang gawain na pagbili at paggamit ng mga serbisyo at produkto. Ito tinutugunan ang pangangailangan at mga kagustuhan ng tao. Ito ay may iba’t ibang uri at ito ay ang mga sumusunod:

  • Tuwirang Pagkonsumo
  • Produktibong pagkonsumo
  • Maaksayang pagkonsumo
  • Mapanganib na pagkonsumo
  • Lantad na Pagkonsumo

Sa pagkokonsumo, mayroong mga salik na nakakaapekto dito. Sa ibaba ay malalaman ang ilan sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang tao.

Salik Na Nakakaapekto Sa Pagkonsumo
  • Pagbabago ng presyo
    Madalas, ang konsumo mas mataas kapag mababa ang presyo at mababa naman kapag mataas ang presyo. Sa madaling salita, ang presyo ay isang motibasyon. At lohika sa likod nito ay kapag mura ang isang produkto, mas marami ang mabibili pero kapag mahal ang presyo, kaunti lamang ang mabibili.
  • Kita
    Ito ang nagdidkta ng limitasyon at paraan natin sa pagbili. Kapag mas malaki ang kita, mas malaki rin ang konsumo at kapag mas mababa ang kita, bababa rin ang kakayahan sa pagbili.
  • Mga Inaasahan
    Ito ang mga pangyayari na ating inaasahan na mangyari sa hinaharap na nakakaapekto sa paraan ng ating pagkonsumo sa kasalukuyan. Katulad na lamang kapag may kalamidad. Ang pagkonsumo sa kasalukuyang panahon ay tataas dahil ang mga tao ay naghahanda sa pangyayari na ito sa hinaharap.
  • Pagkakautang
    Kapag ang isang tao ay may utang, ang kanyang kita ay mababawasan at ang bawas na ito ay nakalaan bilang pambayad. Ito ay nagreresulta ng mababang pagkonsumo dahil ang kabawasang ito ay kabawasan din sa kanyang kakayahan na bumili.
  • Demonstration Effect
    Ito ang impluwensya na ating mga nakikita, naririnig, at napapanood sa radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment