YAMANG LIKAS NG ASYA – Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo at ang bawat bansa sa kontinenteng ito ay may kanya-kanyang yamang likas.
Ang Asya ay may nahahati Hilagang Asya, Timog Asya, Timog-Silangang Asya, Silangang Asya, at Kanlurang Asya. Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya at ang mga yamang likas na ito ay mauuri bilang yamang-lupa, yamang-tubig, yamang-gubat, at yamang mineral.
Likas Na Yaman Ng Asya – Ano Ang Mga Ito?
Ano ang mga likas na yaman ng Asya? Alamin!
LIKAS NA YAMAN NG ASYA – Ang pinakamalaking kontinente ng mundo ay Asya at ito ang mga likas na yaman nito.
Ang kontinente ng Asya ay higit-kumulang na ikatlong bahagi ng mundo. Ito ay may sukat na 49,694,700 milya kuwadrado (mi2) at ito ang kontinente na naging tahanan ng maraming kabihasnan na humubog ng kaisipan at paniniwala ng mga tao sa buong mundo.
Suez Canal ang naghahati sa Asya at Africa at Bering Strait naman ang nnasa pagitan ng Asya at Hilagang Amerika.
Ano ang mga likas na yaman nito?
Ang likas na yaman ay tumutukoy sa yamang lupa, tubig, gubat, at mineral. Ito ang mga yamang natural na hindi gawa ng tao. Ito ay may tatlong anyo: yamang nauubos at di napapalitan, yamang napapalitan, at yamang di-nauubos.
Ang apat na uri naman nito ay yamang-lupa, yamang-tubig, yamang-gubat, at yamang mineral. At ano ang mga yamang likas ng Asya?
Ang bawat rehiyon ng Asya ay magkakaiba ang mga likas na yaman. Ang Hilagang Asya ay may malapad na mga damuhan na mainam pagpastulan ng mga alagang hayop pero sobrang lamig din dito kaya walang puno sa parteng ito. Ang Siberia naman ay likas sa yamang-gubat tulad ng troso.
Mayroon ding malaking deposito ng ginto sa Kyrgyzstan habang ang Tajikistan ay may tatlong uri ng yamang mineral: ang metalikong mineral tulad ng ginto, mineral na panggatong tulad ng natural gas, at industriyal na mineral tulad ng phosphate.
Sa Turkmenistan naman ay natural gas at ang Uzbekistan ay isa rin sa mga bansa na nangunguna sa produksyon ng ginto.
Pagsasaka naman ang nasa Timog Asya. Ito ang mga bansang nagpo-produce ng palay, trigo, jute, tubo, at mga gulay. Yamang-lupa ang pinakamahalaga sa India dahil ang mga ilog Indus, Ganges, at Brahmaputra ay pinagyayaman ang mga kapatagan at lambak dito.
Ito ang ilan:
- bakal at karbon sa India
- pagtatanim ng opyo sa Afghanistan
- mga gubat bakawan sa baybaying dagat ng Pakistan
- makapal at mayabong mga gubat sa timog-kanlurang Sri Lanka
- paghahayupan sa Afghanistan at Bangladesh
- batong apog, bakal, karbon, natural gas, langis, tanso, asin, at gypsum sa Timog Asya
- malalawak na kagubatan sa Timog Silangang Asya
- punong palm at matitigas na kahoy gaya ng apitong, yakal, lauan, kamagong, ipil, pulang narra, mayapis, at iba’t ibang species ng dapo sa Pilipinas
- matatabang lupa sa Myanmar at Cambodia
- nangunguna sa buong daigdig ang Pilipinas sa produksyon ng langis ng niyog at kopra
- malaking deposito ng langis at natural gassa Indonesia
- depositong mineral sa China, North Korea, at Tibet
- Japan ang nangunguna sa industriyalisasyon
- ang Silangang Asya ay nakatuon sa pagtatanim at paghahayupan
- sagana sa yamang mineral tulad ng langis at petrolyo ang Kanlurang Asya habang trigo at barley naman sa agrikultura
READ ALSO:
- Ng At Nang Pagkakaiba – Ang Wastong Paggamit Ng Mga Ito
- Panahon Ng Amerikano Sa Pilipinas – Mga Batas Na Naipatupad
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.