TEKSTONG IMPORMATIBO HALIMBAWA – Ito ang mga iba’t-ibang halimbawa ng tekstong impormatibo o mga sulatin na walang halong opinyon.
Ang pagbabasa ay nagbibigay ng mga bagong kaalaman. Tayo ay nagbabasa upang matuto pero ang mga teksto na ating binabasa ay may iba’t-ibang uri. Talakayin ang isang uri, ang tekstong impormatibo at ang halimbawa nito.
Halimbawa Ng Tektstong Impormatibo: Mga Halimbawa Nito
Mga Halimbawa Ng Tekstong Impormatibo
HALIMBAWA NG TEKSTONG IMPORMATIBO – Sa paksang ito, tatalkayin natin kung ano nga ba ang tekstong impormatibo.
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng teksto na nagbibigay kaalaman sa mga mahahalagang pangyayari. Ito ay may laman na tiyak na impormasyon sa isang pangalan.
Ito ay walang halong opinyon ng manunulat. Mga halimbawa:
- Pahayagan (news paper)
- Encyclopedia
- Posters
- Talambuhay at sariling talambuhay
- Libro at aklat-aralin
- Mga tala (notes)
- Listahan (directory)
- Diksyunaryo
- Ulat
- Mga legal na dokumento
- Manwal panturo (instructional manual)
1. Ang ating pambansang bayani ay si Doctor Jose Protasio Alonso Mercado Y Realonda Rizal. Anak siya ng mag-asawang Teodora Alonso at Francisco Mercado.
Ipinanganak siya noong June 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Namatay siya noong ika- 30 ng Disyembre taong 1896 sa pamamagitan ng firing squad. Marami siyang tinapos na kurso kabilang na ang medisina.
Isa rin siyang pintor at iskulptor. Ngayong Disyembre 30, 2019 ang ika- isangdaan at dalawampu’t tatlong taong anibersaryo ng kanyang pagkamatay.
2. Ang kasingkahulugan ng salitang marangya ay mayaman. Dukha naman ang kasalungat nito.
Ang kasingkahulugan ng salitang masaya ay maligaya. Malungkot naman ang kasalungat nito
Ang kasingkahulugan ng mainit ay maalinsangan. Malamig naman ang kasalungat nito
3. Ang epiko ay isang tulang nag kukwento ng kabayanihan ng pangunahing tauhan. Bukod dito, ang ang pangunahing tauhan ay mayroong mga katangian na higit pa sa ordinaryong tao.
Kadalasan, ang mga pangunahing tauhan sa mga epiko ay galing sa angkan ng mga diyos o diyosa.
Ang paksa ng mga epiko ay nag sasalaysay tungkol sa mga paglalakbay ng ating bayini sa kuwento at ang pakikidigma.
Like this article? READ ALSO:
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.