Pamahalaang Kolonyal Ng Mga Amerikano

Ano ang pamahalaang kolonyal at mga pagbabago na naibigay ng mga Amerikano sa Pilipinas?

PAMAHALAANG KOLONYAL – Ang mga Amerikano ang isa sa mga dayuhang sumakop sa atin ito ang dulot ng kanilang pamahalaang kolonyal.

Ang digmaang Pilipino-Amerikano ay malawakan at umabot sa mahigit dalawang taon. Ang ating mga rebolusyonaryo ay madaling nagapi dahil na rin sa mga makabagong armas at kasanayan ng mga dayuhan.

Walang tuwirang digmaan ang mga Pilipino at Amerikano noong una. Isang utos din sa mga Amerikano na huwag magpapaputok kapag hindi sila inunahan ng mga Pilipino. Subalit isang putok ang nagpabago ng lahat.

Noong Pebrero 4, 1899, isang sundalong Amerikano na nagngangalang William Grayson ang unang nagpaputok at dito nagsimula ang digmaan na nagtagal ng mahigit dalawang taon.

Pamahalaang Kolonyal

Sa ilalim ng pamaalaang Amerikano, maraming mga batas ang naipatupad. Ang 6atas Militar ay ipinatupad noong Agosto ni pangulong William McKinley sa pamamagitan ni Heneral Wesley Merritt, ang unang gobernador militar.

Sa Komisyong Schurman, ang hangarin ay bigyan ng lubos na kalayaan ang bansa ngunit hindi pa handa ang bansa kaya ang mga sumusunod ay inirekomenda:

  1. Pagtatag ng isang Pamahalaang Sibilyan.
  2. Pagtatag ng isang lehislaturang bicameral.
  3. Pagsasarili ng pamahalaang panlalawigan at pamahalaang lokal.
  4. Pagkakaroon ng isang pampublikong sistema sa edukasyon.

Noong Marso 16, 1900, ang Komisyong Taft at nabuo at nakasaad dito na:

  1. Ang pamahalaang itatayo ng mga Amerikano sa Pilipinas ay para sa mga Pilipino.
  2. Ang mga kaugalian, kinamulatan, at kinagawian ng mga Pilipino ay igagalang ng komisyon.
  3. Magbukas ng mga paaralang elementarya sa bansa at swikang Ingles ang gagamiting wika sa pagtuturo.

Ang Komisyong Taft ay nakapagpatupad ng halos 499 na batas at ilan sa mga ito ay:

  • Pagtatag ng Korte Suprema
  • Pagtatag ng Serbisyo Sibil
  • Pagpapatupad ng Koda Pang Municipal
  • Pagtatag ng Pambansang Konstabularya Ng Mga Pulis

Ang mga batas na Batas Sedisyon noong 1901, Batas Brigansya noong 1902, Batas Rekonsentrasyon noong 1903, at Batas Ukol Sa Watawat noong 1907 ay naipatupad rin sa panahon ng mga Amerikano.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment