TALASALITAAN HALIMBAWA – Ano ang kahulugan ng talasalitaan at ano ang mga halimbawa nito? Alamin at pag-aralan!
Ang talasalitaan ay mga salitang pamilyar sa isang tao at mahalagang bahagi ng pakikipagkomunikasyon at pag-alam. Ito ay “vocabulary” sa Ingles at ito ang ilang mga halimbawa nito.
TALASALITAAN – Ang Kahulugan At Mga Halimbawa
TALASALITAAN – Ang Kahulugan At 70+ Na Mga Halimbawa Nito
TALASALITAAN – Sa paksang ito, alamin at tuklasin natin ang kahulugan ng tinatawag na talasalitaan at ang mga halimbawa nito.
Kahulugan
Ang talasalitaan, na kilala rin bilang bukabularyo o sa Ingles bilang vocabulary, ay ang pangkat ng mga salitang nasa loob ng isang wika na pamilyar sa isang tao. Ito rin ang umuunlad na sabay rin sa edad at kadalasang ginagamit ito bilang pundamental na gamit para sa komunikasyon at pagkakamit ng kaalaman.
Narito ang mga iba’t ibang mga halimbawa nito:
Halimbawa
- linggatong – suliranin
- sasalitin – isalaysay
- kintang – pahingahan
- duklay – nakalaylay
- bumabalong – umaagos
- tumok – kagubatan
- legwas – isang metro
- gali – paligsahan
- maniig – mamihasa
- malawig – matagal
- bait ko’y luminis – pagkatao’y tumaas
- nunukal – likas
- nananaw – nawala
- pinagsasabihan ng mga sikreto – kalihiman
- minunakala – binalak
- hinandulong – pinagtataga
- ditsong – usapan
- di nagpakundangan – di-gumalang
- real – maharlika
- sulat – kalatas
- sasakyang-dagat – daon
- lalabanan – kakabakahin
- kubkob ng kabaka – ligid ng kaaway
- amis – kaawa-awa
- panwalat – pangwasak
- lulugso – babagsak
- maglamas – maglaban
- makipanig – makisali
- matabil – magsalita
- pagseselos – pangimbulo
- matatap – matuklasan
- paghihirap – pagkatimawa
- mabagal – mahinhin
- sumugod – susumang
- makalawang niligid ni Pebo – dalawang araw
- sandatahan – sumdalo
- nagbiktorya – nagwagi
- uhaw sa aking dugo – paghihiganti
- mariing hampas – parusa
- napahinuhod – napasunod
- kahambal-hambal – kaawa-awa
- nabalino – naguluhan
- mawakawak – mapahamak
- makasasayod – makapagsasabi
- matisod – magkasala
- matuklasan – diskubrihin
- lalagi – titigikll
- ehersito – hukbo
- ilugso – halayin
- piping gulo – usap-usapan
- nahambal – naawa
- maidlip – matulog ng mababaw lang
- namamanglaw – nagdidilim, nalulungkot
- nalulungkot – nalulumbay
- lawig- tagal o haba ng panahon
- mandala- malaki at mataas na bunton ng gaspag ng katawan ng palay na may uhay pa
- bastidor at dala – mga kagamitan sa pagbuburda
- lalik – makinang ginagamit sa pag-ukit
- garing – ivory
- ligalig – hindi mapakali
- tulasing – labis na maramdamin
- tulisan – bandido
- lunos- pagkabagabag ng damdamin dahil sa lungkot
- palaba- mabilog na liwanag na nasa paligid ng buwan
- hilahil – suliranin, pasanin
- karalitaan – kahirapan , kadukhaan
- pinanganganibak – kinatatakuan
- natitik – naisulat
- disgustado – naiinis
- patak – tulo
- pagsasaboy – pagsalpok
- beterano – matanda
- parang – malawak na kapatagan
BASAHIN DIN – HALIMBAWA NG PABULA – Ang Kwento ng Tipaklong at ng Langgam