Ito ang buong kwento ng “Alamat Ng Tubo” – tubo o sugarcane.
ALAMAT NG TUBO – Ang isang alamat ay isang pampanitikan na sulatin at ito ang isang alamat tungkol sa tubo.
Ang isang alamat ay nagtatalakay ng mga pinagmulan ng isang tao, pook, at pangyayari. Ang pangkukwento ay ayon sa mga pangyayari na kathang-isip lamang.
At isa sa mga naging kawilihan natin ay ang kwento tungkol sa alamat ng tubo o sugarcane.
Ito ang ALAMAT NG TUBO:
Sa isang malayong baryo nakatira ang isang dalagang nangangalangang Maria. Si Maria ay may kayumangging balat, katatamtamang tangkad ngunit walang hubog ang katawan kung kaya’t madalang na lamang syang lumabas ng bahay sa takot na magpakita sa mga tao.
Sa kanilang baryo, ang hubog ng katawan ang laging napupuna ng mga tao kaya’t ito na rin ang nagiging basehan sa isang relasyon. Tuwing ikakasal, ang mga babae ay pilit na pinapalakad ng ilang kilometro upang mabawasan ang timbang at mag ka hubog ang katawan. Madalas na ring makita ang mga babaeng kahit bata pa lamang ay kakaunti na kung kumain.
Isang araw inutusan si Maria ng kanyang ama na pumunta sa pamilihan. Hindi na nagawa pang tumanggi ni Maria ng sya’y utusan ng kanyang ama dahil napagtanto nyang kapos na sila sa pagkain. Dali dali nyang kinuha ang kanyang luntiang balabal at ang paborito nyang nginunguya na pinangalanan nyang tubo at dahan-dahang lumabas ng silid.
Sa kanyang pag lalakad hindi maiiwasan ni Maria makarinig ng panunukso mula sa mga taong nakakakita sakanya labis ang pag kapahiya ni Maria kung kaya’t binilisan nya ang kanyang paglalakad. Sa kasamaang palad ng si maria ay natapos sa pamimili ay nakabunggo sya ng isang binata dahil sa pagmamadali. Agad din namanag itong humingi ng tawad.
“Paumanhin binibini ngunit may mga armadong lalaking humahabol sa akin. Babayaran ko na lamang ang mga nasirang gulay at prutas na iyong binili. Tagpuin mo nalang ako sa may puno ng mangga.”
Hindi na nagawa pang tumanggi ni Maria dahil mabilis na lumisan ang binata. Labis na lamang ang lungkot ni Maria ng hindi man lang nya nakita ang mukha nito at ang tanging natatandaan nya sa binata ay ang taas at laki ng katawan nito.
Meron lamang isang puno ng mangga sa kanilang baryo. Ito ay nakatanim sa isang parke. Habang pauwi si Maria ay hindi mawala sa isipan nya ang nangyari. Tila ba ito ang unang pag kakataon na may kumausap sakanya na walang halong panlalait. Walang ng iba pang magagawa si Maria kundi ang tagpuin ang binata dahil wala ng natitirang kwarta ang kanyang ama upang bumili muli ng pagkain.
Pagkarating ni Maria ay narinig nya ang pag awit ng binata kaya’t dahan dahan syang sumilip upang hindi makita ng binata. Nang natapos ang binata sa pag awit ay dahan dahan syang lumabas sa kanyang taguan habang nakatakip ang isang mahabang balabal.
“Binibini, nariyan ka na pala. Gusto ko lamang humingi ng tawad dahil sa nangyari. Hindi ko sinasadyang ika’y matamaan sa aking pag takbo. Tanggapin mo itong kwarta bilang kabayaraan sa mga bagay na aking nasira.”
Nag kasundo ang dalawa pagkatapos ng insidenteng nangyari at dahil sa pang yayaring iyon ay madalas ng nagtatagpo ang dalawa sa puno ng mangga. Sa tuwing pag awit ng binata ay para bang pinapahiwatig nito na dapat mahalin nya ang kanyang sarili. Tila ba hindi makapaniwala si Maria sapagkat wala pang nagsasabi sakanya ng ganoong bagay kahit pa ang kanyang ama.
Dahil doon unti-unting nahulog ang dalaga sa ipinapakita ng binata. Araw-araw sya nitong binibigyan ng tubo na kanyang paborito. Minsan din ay binigyan sya nito ng isang balabal na kulay luntian na may ibang disenyo. Ngunit isang araw ng pumunta si Maria sa kanilang tagpuan ay nakita nya ang binata na may kasamang ibang dalaga at narinig na sya ay naging libangan lamang ng binata. Ang dalaga at mas maputi, mas matangkad at higit sa lahat may hubog ang katawan nito kumpara sa kanya.
Labis na nagalit si Maria sa kanyang sarili. Paulit-ulit nyang sinisisi ang sarili dahil kanyang iniisip na ang panlabas na anyo nya ang naging rason ng paglisan ng binata. Sa labis na pighating nadama, ilang araw syang nag kulong sa silid at paulit-ulit na sinisisi ang sairli. Sa sobrang pighati ng dalaga ay tila ba namanhid ang kanyang puso. Isinumpa nya na simula sa araw na iyon ay hindi na sya magiging malambot muli.
Sa tuwing lalabas si Maria, malamig nyang tinitignan ang lahat ng mga binatang nakakasalubong nya. Punong puno ng poot ang kanyang dibdib kung kaya’t pati ang mga babaeng nakakasalubong nya ay tinitignan nya ng may poot. Ilang taon ang nakalipas, naisipang puntahan ni Maria ang dati nilang tagpuan. Tila ba umalon ang memorya. Halo-halong lungkot ang nadama nya sa kanyang dibdib.
Naisipang umupo ni Maria sa ilalim ng puno. Ipinikit nya ang kanyang mga mata at nag-isip ng malalim. Sa kanyang pag iisip ay isang bagay lamang ang napagtanto niya.
“Kung gusto mong mahalin ka ng ibang tao, mahalin mo muna ang sarili mo.”
Marahan nyang pinikit ang kanyang mga mata at hindi na muling minulat pa.
Kinabukasan napagtanto ng kanyang ama na nawawala ang kanyang anak. Agad nyang inikot ang tahanan ngunit walang bakas ng dalaga. Sunod syang nagpunta sa puno ng mga nagbabakasakaling matatagpuan ang dalaga. Nang sya’y nakarating isang puno lamang at munting halaman ang kanyang natagpuan. Agad syang lumisan upang hanapin ang dalaga sa baryo ngunit sumapit na ang gabi ay miski anino ng dalaga ay hindi natagpuan.
Biglang pumasok sa isipan ng matanda ang halaman sa may puno ng mangga. Ito ay tuwid, walang hubog. Ito rin ay matigas. Nang pasmadan ng matanda ang halaman ay napansin nya ang munting katas na tumutulo dito kaya’t tinikman nya ito. Napapikit ang matanda ng malasap nya ang tamis ng katas ng halaman.
“Itong munting halaman na ito ay nagpapaalala sa akin ng anak ko. Walang hubog ang katawan, kulay berde katulad na lamang ng kanyang balabal, matigas, parang kanyang puso, at matamis katulad ng kanyang pag mamahal at ng pagkaing kanyang bitbit.”
Dahil inihantulad nya ito sa pagkaing palaging bitbit at paborito ng dalaga ay napagtanto nyang ipangalan ito rito, tubo.
Simula noon ay nakikilala ang munting halaman bilang tubo. Ito ay naging kilala sa kanilang baryo dahil na lamang sa tamis ng katas nito. Ang mga mamamayan ay kumikita rin dahil sa pagtatanim at pagbebenta nito. Simula rin noon ay wala ng naging basehan pa ang mga mamamayan pagdating sa pag-ibig, ang nararamdaman na lamang.
At ito ang kwento ng isang dalagang hindi kayang mahalin ang sarili hanggang sa dumating ang binata at natutunan nya itong mahalin ngunit dahil sa kanyang panlabas na anyo ay hindi nasuklian ang kanyang pag mamahal na naging dahilan ng pag tigas ng kanyang puso. At kanyang napagtanto: “Kung gusto mong mahalin ka ng ibang tao, mahalin mo muna ang sarili mo.”
READ ALSO:
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.