Mga Bantas At Tamang Paggamit Ng Mga Iba’t-Ibang Uri Ng Bantas

MGA BANTAS – Alamin at pag-aralan ang mga iba’t-ibang uri ng mga bantas at wastong paggamit ng mga ito sa pangungusap.

Tuldok, Tandang Pananong, Tandang Padamdam, Kuwit, Kudlit, at Gitling ay ilan lamang sa napakaraming bantas na madalas nating gamitin. Alamin ang mga tamang paraan para gamitin ang mga ito.

Mga Uri Ng Bantas – Halimbawa At Gamit Ng Mga Ito

Ano Ang Mga Halimbawa Ng Uri Ng Bantas? (Sagot)

BANTAS – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga uri ng bantas at ang mga gamit nito sa pangungusap.

Ang bantas ay isang koleksyon ng mga simbolo na nagsasaad ng anyo at pagkakasunud-sunod ng nakasulat na wika. Bukod dito, ang intonasyon at pag-hinto na gagamitin habang binabasa nang malakas ay kasama rin sa gamit ng bantas.

Mga Uri Ng Bantas – Halimbawa At Gamit Ng Mga Ito

Ang bantas ay makabuluhan sa nakasulat na Tagalog sapagkat nililinaw nito ang kahulugan ng mga pangungusap. Kapag wala ang bantas, magdudulot ito ng pagkalito sa mga mambabasa. Heto ang mga mga halimbawa:

  • Tuldok – ginagamit sa pagtapos ng mga pasalaysay at paturol na pangungusap.
  • Tandang Pananong – ginagamit upang magtanong.
  • Tandang Padamdam – ginagamit upang magpahayag ng masidhing damdamin.
  • Kuwit – ginagamit sa paghihiwalay ng isang sinipi, ginagmit din upang mapaghiwalay ang pagkakasunod sunod na grupo ng mga salitang magkakauri, at iba pa.
  • Kudlit – ginagamit upang palitan ang isang letra na kinakalatas. (Siya ay, siya’y)
  • Gitling – ginagamit sa mga iba’t ibang uri ng salita.

Heto ang mga halimbawa ng gamit nito sa pangungusap.

Si Peter at Hector ay magkaibigan. (tutuldok). Pero, sino kaya ang unang lumapit sa kanila? (tandang pananong) Naku! (tandang padamdam) matatagalan tayo sa pagsagot, pag-aalala, at pagbabalik-tanaw niyan. (kuwit).

Una sa lahat, si Peter ay lumaki si Laguna ngunit siya’y ipinanganak sa Manila. (Kudlit) Samantala, si Hector naman lumaki sa bahay-kubo (gitling) ngunit nanalo ang kanilang pamilya sa Lotto.

Heto pa ang ang iba pang mga bantas:

  • Tutuldok
  • Tuldok-kuwit
  • Panipi
  • Panaklong
  • Tutuldok-tuldok

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Sakripisyo – Kahulugan At Iba Pang Kaalaman

Leave a Comment