Florante At Laura Characters – Kilalanin Ang Mga Tauhan

FLORANTE AT LAURA CHARACTERS – Pagtalakay at pagkilala sa mga tauhan ng klasiko at obra-maestra na Florante at Laura.

Ang awit na Florante at Laura ay isang mahabang tula na itinuturing na pinakamahalaga sa lahat ng mga korido sa Pilipinas. Ito ay gawa ni Francisco Baltasar. Kilalanin ang mga tauhan at ang kanilang mga katangian!

Sino Ang Mga Karakter Sa Florante At Laura? (Sagot)

Sino Ang Mga Karakter Sa Florante At Laura? (Sagot)

FLORANTE AT LAURA – Sa paksang ito, ating tuklasin at alamin ang mga sumusunod na mga karakter sa kwentong Florante at Laura.

FLORANTE AT LAURA
Image from: Facebook

Ang kwentong “Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa Cahariang Albania. Quinuha sa madlang “cuadro histórico” o pinturang nag sasabi sa mga nangyayari nang unang panahón sa Imperio nang Grecia, at tinula nang isang matouain sa versong tagálog.” na kilala rin sa maikling pangalan na “Florante at Laura” ay isang kwentong isinulat ni Francisco Balagtas o Francisco Baltazar.

Ayon kay KapitBisig, to ay isang awit na binubuo ng 399 na saknong. Ito rin ay isang tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong.

Ang kwentong ito ay isa sa mga mahalagang akda ng Panitikang Filipino na hanggang ngayion ay pinag-aaralan ng mga mataas na paaralan.

Mga Tauhan

  • Florante
    • Ang makisig na binatang anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ay inihalal na heneral sa hukdo ng Albanya.
  • Laura
    • Ang anak ni Haring Linceo at ang tanging pag-ibig ni Florante.
  • Adolfo
    • Ang anak ng magiting si Konde Sileno ng Albanya. Isa siyang taksil na naiinggit kay Florante. Samakatuwid, siya ang karibal ni Florante.
  • Aladin
    • Ang prinsipe ng Persiya at ang gererong Moro. Siya ay anak ni Sultan Ali-adab.
  • Flerida
    • Isang matapang na babaeng Moro na tumakas sa Persiya upang hanapin si Aladin, ang kaniyang kasintahang. Siya ang tagapagligtas ni Laura.
  • Menandro
    • Ang matapat na kaibigan ni Florante
  • Duke Briseo At Prinsesa Floresca
    • Mga magulang ni Florante
    • Si Duke Briseo ay ang tagapayo ni Haring Linceo ng Kaharian ng Albanya
  • Haring Linceo
    • Ang hari ng Albanya at ang ama ni Laura
  • Antenor
    • Ang magiting na guro at ang amain ni Menandro.
  • Konde Sileno
    • Ang ama ni Adolfo
  • Heneral Miramolin
    • Heneral ng mga Turko na lumusob sa Albanya
  • Heneral Osmalik
    • Ang heneral ng Persya na lumusob sa Krotona
  • Sultan Ali-abab
    • Ang ama ni Aladin na umagaw ng kanyang kasintahang si Flerida
  • Menalipo
    • Ang pinsan ni Florante
  • Hari ng Krotona
    • Ang ama ni Prinsesa Floresca

BASAHIN DIN: Summary Of The Story “Country’s Good Son” By Minn New Thein

Leave a Comment