HUGNAYANG PANGUNGUSAP HALIMBAWA – Ano ang hugnayang pangungusap at mga halimbawa ng ganitong uri ng pangungusap?
Ang isang hugnayan na pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di nakapag-iisa na magkaugnay. Ito ay naglalaman ng sanhi at resulta na mga ideya.
Hugnayang Pangungusap – Ang Kahulugan At Mga halimbawa Nito
Ano ang hugnayang pangungusap? Magbigay ng halimbawa.
HUGNAYANG PANGUNGUSAP – Ang isa sa mga uri ng pangungusap ay ang hugnayan. Ito ang kahulugan nito at mga halimbawa.
Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na buo ang diwa at binubuo ng simuno at panaguri. Ang isang pangungusap ay maaring payak, tambalan, o hugnayan.
Ang tatlong uri na ito ay:
- Payak (isang sugnay na makapag-iisa)
- Tambalan (may dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa)
- Hugnayan (isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na hindi makakapag-iisa)
Tatalakayin natin ang hugnayang uri ng pangungusap.
Ang sugnay na hindi makapag-iisa ay hindi maaring tumayo ng mag-isa dahil ito ay walang buong diwa at hindi mauunawaan. Kadalasan, ito ay nagsisimula sa pangatnig.
Ang mga pangatnig na maaring gamitin ay:
- habang
- upang
- bago
- kaysa
- dahil
- pagkatapos
- kahit na
- paano
- kung
- kaysa
- kapag
- hanggang
- kung saan
Maari rin na gumamit ng mga pang-ugnay tulad ng:
- ngunit
- subalit
- upang
- kaya
- dahil sa
- kapag
- saka
- kung
- pati
Ito ang ilang mga halimbawa:
- Bibigyan kita ng pera kung mataas ang iyong mga grado sa paaralan.
- Gusto kong kumain ng french fries habang nanonood ng sine.
- Uunlad ang ating buhay kapag tayo ay magta-trabaho ng mabuti at masigasig.
- Gusto kong bumili ng bagong iPhone pero hindi sapat ang naipon kong pera.
- Nakakakain kami sa masarap na mga restaurants dahil sa pag-iipon ng aming kuya.
- Upang makamit ang kapayapaan sa ating tahanan, kailangan nating matuto na tanggapin ang isa’t isa.
- Sasama ako sa Baguio kung sasama ka rin.
- Nagkasakit ako dahil nabasa ako ng ulan.
- Bago ka magmahal ng ibang tao, kailangan mo munang mahalin ang iyong sarili.
- Kung saan may pagmamahal, naroon ang kapayapaan
READ ALSO:
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.