WIKANG PAMBANSA – Isang timeline at summary ng kasaysayan kung paano nabuo ang wikang pambansa ng Pilipinas.
Ang Pilipinas ay isang malayang bansa na may sariling wikang pambansa. Ito ay ang wikang Filipino. Ang ating bansa ay may higit sa pitong libo na kapuluan na may iba’t ibang wika. Basahin at alamin ang kasaysayan ng wika sa ating bansa mula sa panahon ng pananakop hanggang sa tayo ay nagsarili.
Kasaysayan Ng Wikang Pambansa – Timeline Ng Kasaysayan
Isang timeline sa kasaysayan ng wikang pambansa. Pag-aralan dito.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA – Pagtalaka sa kasaysayan ng ating wikang pambansa mula sa panahon ng Kastila.
Ang bansa ay binubuo ng higit sa pitong libong pulo na siyang dahilan kung bakit tayo ay multilingual. Ito rin ang isang dahilan kung bakit mahirap ang pakikipag-ugnayan natin sa isa’t isa.
Sa layuning maging isang nasyon tayo, sinikap ng mga ninuno na magkaroon ng iisang wika na magbubuklod ng bansa. Sa pamamagitan ng Saligang Batas ng Biak na Bato ng 1897, napagkasunduan na gawing opisyal na wika ng rebolusyon ang wikang Tagalog.
Ito ang wikang nag-isa at nagbigkis ng mga tao at karamihan sa mga nanguna sa rebolusyon ay mga tagalog.
Ito ang timeline:
- Espanyol ang wikang opisyal at wikang panturo.
- Dalawang wika ang nagamit sa bansa – wikang Ingles at Espanyol na naging opisyal sa pamamagitan ng mga kautusan at proklamasyon.
- Ingles ang naging wikang panturo na ibinatay sa Komisyong Schurman.
Panahon Ng Hapon
- Ito ang “gintong Panahon Ng Tagalog”.
- Nalunsad ang “Purista”, isang grupo na nagnanais gawing Tagalog ang wikang pambansa.
- Upang mawala ang mga Amerikanong gawi at salita, naging paraan ng mananakop na mga Hapon na itaguyod ang Tagalo. Naging Niponggo at Tagalog ang opisyal na wika sa panahong ito.
Panahon Ng Pagsasarili
- Naging Tagalog ang pambansang wika na pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570.
- Mula sa Marso hanggang Abril na pagdiriwang ng Linggo Ng Wikang Pambansa, nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay na ilipat ito sa Agosto para kay Manuel L. Quezon, ang Ama Ng Wikang Pambansa.
READ ALSO:
- Liham Aplikasyon Halimbawa – Pagsulat Ng Liham Aplikasyon
- Ano Ang Pananaliksik At Mga Kahalagahan Nito?
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.