Kasaysayan Ng Wikang Pambansa – Timeline Ng Kasaysayan

Isang timeline sa kasaysayan ng wikang pambansa. Pag-aralan dito.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA – Pagtalaka sa kasaysayan ng ating wikang pambansa mula sa panahon ng Kastila.

Ang bansa ay binubuo ng higit sa pitong libong pulo na siyang dahilan kung bakit tayo ay multilingual. Ito rin ang isang dahilan kung bakit mahirap ang pakikipag-ugnayan natin sa isa’t isa.

Sa layuning maging isang nasyon tayo, sinikap ng mga ninuno na magkaroon ng iisang wika na magbubuklod ng bansa. Sa pamamagitan ng Saligang Batas ng Biak na Bato ng 1897, napagkasunduan na gawing opisyal na wika ng rebolusyon ang wikang Tagalog.

Ito ang wikang nag-isa at nagbigkis ng mga tao at karamihan sa mga nanguna sa rebolusyon ay mga tagalog.

Kasaysayan Ng Wikang Pambansa

Ito ang timeline:

Panahon Ng Kastila

  • Espanyol ang wikang opisyal at wikang panturo.

Panahon Ng Amerikano

  • Dalawang wika ang nagamit sa bansa – wikang Ingles at Espanyol na naging opisyal sa pamamagitan ng mga kautusan at proklamasyon.
  • Ingles ang naging wikang panturo na ibinatay sa Komisyong Schurman.

Panahon Ng Hapon

  • Ito ang “gintong Panahon Ng Tagalog”.
  • Nalunsad ang “Purista”, isang grupo na nagnanais gawing Tagalog ang wikang pambansa.
  • Upang mawala ang mga Amerikanong gawi at salita, naging paraan ng mananakop na mga Hapon na itaguyod ang Tagalo. Naging Niponggo at Tagalog ang opisyal na wika sa panahong ito.

Panahon Ng Pagsasarili

  • Naging Tagalog ang pambansang wika na pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570.
  • Mula sa Marso hanggang Abril na pagdiriwang ng Linggo Ng Wikang Pambansa, nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay na ilipat ito sa Agosto para kay Manuel L. Quezon, ang Ama Ng Wikang Pambansa.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment