Unang Republika Ng Pilipinas (República Filipina o Republikang Filipino)

Ang Unang Republika Ng Pilipinas, ang pagtatag nito.

UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS – Ang unang opisyal na tinawag sa República Filipina ay Republikang Pilipino. Alamin ang pagtatag dito.

Ang pamahalaan ng Pilipinas na itinatag kasabay ng paghayag ng Saligang Batas ng Malolos noong Enero 23, 1899 sa Malolos, Bulacan. Ito ay nanatili hanggang sa pagdakip at pagsuko ni Emilio Aguinaldo sa mga sundalong Amerikano noong Marso 23, 1901.

Ang pagdakip ay nangyari sa sa Palanan, Isabela.

Ang pagtatag ang naging pinakamahalagang pangyayari sa panahon ng himagsikan ng Pilipino laban sa mga Kastila.

Unang Republika Ng Pilipinas

Ang kalayaan ng Pilipinas ay inanunsyo noong Hunyo 12, 1898 at ang pamahalaang diktatoryal ay napalitan ng pamahalaang panghimagsikan sa ilalim ng pamumuno ni Aguinaldo.

Ang republikang ito ay nagkaroon din ng Kongreso na nagsilbing tagapayo.

Ito ang mga namuno:

  • Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo/Unang Republika ng Pilipinas
    • Emilio Aguinaldo
  • Punong Ministro ng Pamahalaang Rebolusyonaryo/Unang Republika ng Pilipinas (Pangulo ng mga Konseho ng Pamahalaan)
    • Apolinario M. Mabini
    • Pedro A. Paterno (hinalal noong May 7, 1899)
  • Pangulo ng Pambansang Asambleya (ng mga Kinatawan)
    • Pedro A. Paterno
  • Ikalawang Pangulo ng Pambansang Asambleya (ng mga Kinatawan)
    • Gregorio Araneta
  • Kalihim ng Pambansang Asambleya (ng mga Kinatawan)
    • Pablo Roque Tecson
    • Pablo de Leon Ocampo
  • Mga kasapi ng Konseho ng Pamahalaan (Gabinete)
    • Kalihim ng Pananalapi
      • Mariano Trías y Closas
      • Hugo Ilagan (hinalal noong May 7, 1899)
    • Kalihim ng Interior
      • Teodoro Sandico
      • Severino de las Alas (hinalal noong May 7, 1899)
    • Kalihim ng Digmaan
      • Baldomero Aguinaldo y Baloy
      • Mariano Trías y Closas (hinalal noong May 7, 1899)
    • Kalihim ng Kagalingan
      • Gracio Gonzaga
    • Kalihim ng Ugnayang Panlabas
      • Apolinario Mabini y Maranan
      • Leon Ma. Guerrero (hinalal noong May 7, 1899)
    • Kalihim ng Kautusang Pampubliko
      • Aguedo Velarde
    • Kalihim ng Pagawaing Bayan Komunikasyon
      • Maximo Paterno
    • Kalihim ng Pagawaing Bayan Komunikasyon
      • Leon Ma. Guerrero
    • Kinatawan
      •  Pablo Ocampo Tecson

Ang unang republika ay pinagtibay ng Constitución política de la República Filipina 

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment