REAKSYONG PAPEL HALIMBAWA – Ito ang isang halimbawa ng reaksyong papel o reaction paper tungkol sa nobelang “El Filibusterismo”.
Ang paggawa ng reaksyong papel ay pagbibigay ng may-akda ng kanyang kaisipan o opinyon tungkol sa isang impormasyon o subject. Ito ay binubuo ng introduksiyon, katawan, konklusyon, at pagsipi at pinagmulan ng impormasyon.
Ano Ang Reaksyong Papel? – Kahulugan At Halimbawa Nito
Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Reaksyong Papel?”
REAKSYONG PAPEL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang reaksyong papel at ang mga halimbawa nito.
Ang isang reaksyong papel ay naglalarawan sa mga kasulatan na naglalaman ng reaksyon ng isang indibidwal tungkol sa isang partikular na paksa. Kadalasang ginagawa ito patungkol sa mga pelikula na kakalabas lamang o kaya’y mga libro at mga isyung panlipunan.
Dito naitatala rin ang opinyon at suhestyon batay sa paksang pinagaaralan. Ito ay naglalayong maibahagi ng manunulat ang saloobin sa masusing pagoobserba. Heto ang mga halimbawa:
Reaksyong papel tungkol sa El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
Kamangha mangha dahil ang pagkakasalaysay ng mga kaisipan at pangyayari sa nobelang El Filibusterismo. Naging malinaw din ang paglalarawan ng mga tauhan at katiwalian at hirap na dinanas ng mga pilipino noon. Matagumpay na natapos ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo dahil sa naging inspirasyon nya at sa mga naging karanasan at paghihirap na natamo upang matapos ang nobelang El Filibusterismo.
-John Arvie
Ang naging reaksyon ko sa pangkaligirang kasaysayan ng el filibusterismo ay paghanga. Sapagkat kahit na napakaraming suliranin ang kinakaharap ni Rizal ay nagawa parin nyang isulat ang el filibusterismo. Nagawa pa rin niyang lampasan ang bawat suliranin na humahadlang sa kanya sa pagsulat ng nobelang ito. Kahit ganon ang nangyari ay natapos at naipalimbag pa rin niya ang nobela. Naging matagumpay siya dahil naging inspirasyon pa ito sa bawat pilipino sa mga nagdaang henerasyon at sa darating pa.
-Danica Cupo
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Pangkalahatang Layunin? – Halimbawa At Kahulugan Nito