PANG-UGNAY HALIMBAWA – Ang pang-ugnay ay nagagamit sa pagsisimula, pagpapadaloy, at pagtatapos ng mga salaysay.
Ang mga pang-ugnay o connectives ay nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa isang pangungusap, mga salita, parirala, o sugnay. Mayroong tatlong uri ng pang-ugnay. Pag-aralan at alamin ang mga halimbawa!
Ano Ang Pang-Ugnay At Mga Halimbawa Nito Sa Pangungusap
Katanungang: Ano ang pang-ugnay? Ito ang sagot!
ANO ANG PANG-UGNAY – Pagtalakay sa ibig sabihin ng pang-ugnay, ang paggamit nito, at mga halimbawa nga pang-ugnay sa pangungusap.
Ang pang-ugnay ay isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga salita, sugnay, o pangungusap. May tatlo itong uri – ang pangatnig, pang-angkop, at pang-ukol. Pinagdudugtong nito ang mga salita na may kaugnayan.
Ito ang tatlong uri ng pang-ugnay:
- Pangatnig
Ito ang nag-uugnay ng salita sa kapuwa salita, parirala sa kapuwa parirala, sugnay sa kapuwa sugnay, o pangungusap sa kapuwa pangungusap. Ang pitong uri nito ay:- pamukod – gumagamit ng o, ni, maging, at man para sa pagpili, pagtatakwil, pagbubukod, o pagtatangi
Halimbawa: Si Christine ay maganda, maging sa Lanie.
- panimbang – gumagamit ng at at saka para sa dalawang salita o kaisipan na magkasinghalaga
Halimbawa: Ikaw at saka si Ben ay parehong mabait at magalang.
- panubali – gumagamit ng kung, kapag, tila, at sana para magsabi ng pag-aalinlangan
Halimbawa: Pupunta ako sa gimik kapag pupunta rin si Kuya Allan.
- paninsay – gumagamit ng ngunit, subalit, at samantala para sa mga magkasalungat
Halimbawa: Gusto ko siya ngunit hindi niya ako gusto.
- pananhi – gumagamit ng dahil sa, sanhi ng, sapagkat, at palibhasa para mangatwiran
Halimbawa: Wala siyang reaksyon palibhasa ay hindi siya ang nawalan.
- panapos – gumagamit ng sa wakas at sa lahat ng ito para magpahiwatig ng pagtatapos
Halimbawa: Matapos ang isang awiting, sa wakas ay makakapagpahinga na rin.
- panlinaw – gumagamit ng kung gayon, samaktwid, at sa madaling salita para magpaliwanag ng bahagi o kabuuan
Halimbawa: Hindi ko siya gusto kaya sa madaling salita, hindi kami magkakatuluyan.
- pamukod – gumagamit ng o, ni, maging, at man para sa pagpili, pagtatakwil, pagbubukod, o pagtatangi
- Pang-angkop
Ito ang pagdudugtong ng mga salita sa pamamagitan ng paggamit ng ng, na, at -g para mas maging madulas ang pagkakasambit.
Halimbawa: magandang dalaga; angking talento, magandang gabi, tanyag na artista, magaling na pintor
- Pang-ukol
Ito ang mga salita na tumutukoy sa pinagmulan o patutunguhan, kinaroroonan o pinagkakaroonan, at pinangyayarihan o kinauukulan ng isang kilos. Gumagamit ng ng, sa, kay, ni, nina, kay, kina, ayon sa, ayon kay, sa harap, na may, at iba pa.
Halimbawa: Hindi ko gustong lumabas dahil ayon sa balita, mataas na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
READ ALSO:
- Kahalagahan Ng Wika Sa Lipunan – Bakit Mahalaga Ang Wika
- Pang-abay Na Pang-Agam Halimbawa, Ano Ang Pang-abay na Pang-agam
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.