Ang paglaganap ng Kristiyanismo sa bansa.
PAGLAGANAP NG KRISTIYANISMO – Pag-aralan at alamin kung paano lumaganap ang Kristiyanismo sa ating bansa, ang Pilipinas.
Noong 2021 ay ginunita ang ika-500 na anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa bansa. Marso 31, 1521 ay ang kauna-unahang pagdiriwang ng banal na misa na na ginanap sa ating bansa.
At ito ang naging hudyat ng pagsilang ng Kristiyanismo sa bansa.
Ang unang misa ay ginanap sa pulo ng Limasawa na matatagpuan sa Leyte at ito ay pinangunahan ng isang paring Kastila na si Padre Pedro Valderrama.
![Paglaganap Ng Kristiyanismo](https://philnews.ph/wp-content/uploads/2023/04/Paglaganap-Ng-Kristiyanismo.jpg)
Nagine matagumpay ang mga Espanyol sa pagpapalaganap ng relihiyong ito sa Pilipinas. May mga parte ng bansa na nanatili sa kanilang mga katutubong paniniwala pero hindi maikakaila na malawak ang paniniwalang Kristiyanismo sa bansa.
Naging madali sa mga banyaga ang paghikayat sa mga Pilipino.
Ayon sa kasaysayan, sa ilalim ng patakaran ng mga Espanyol, nagsanib ang simbahan at pamahalaan.
Unang naitatag ang simbahang Katolika sa Cebu mula sa pagdating ni Magellan at ito ay naganap nang nabinyagan ang mga katutubo sa misang naganap sa Cebu. At naging sunod-sunod ang paggawa ng mga simbahan sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas ng masakop ni Legazpi ang bansa.
Dumating din sa bansa ang mga prayleng misyonero tulad ng agustino, pransiskano, heswita, dominikano, at rekoleto kaya mas napalawak at napalaganap ang relihiyong dala ng mga Espanyol sa bansa.
Nang maglaon, ang mga lipon ng mga simbahan ay tinawag na diocese. At ang lipon na ito sa isang pook ay pinamamahalaan ng Obispo at ang namamahala sa mga diocese ay tinatawag na archdiocese.
Bukod sa mga simbahan, napatayo rin ang mga paaralang parokyal, bahay-ampunan, pagamutan, at mga institusyong pang-kawanggawa.
READ ALSO:
- Pang-Ugnay Halimbawa – Kahulugan At Halimbawa Ng Pang-Ugnay
- Tauhan Sa El Filibusterismo – Mga Tauhan Ng El Fili
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.