Ano ang mga katangian ng isang matalinong mamimili? Alamin!
MATALINONG MAMIMILI – Ang pamimili ay bahagi na ng buhay ng isang tao bilang konsyumer at ito ang mga katangian ng isang matalinong mamimili.
Bawat sentimo ng ating pera ay mahalaga. At bilang isang konsyumer, nararapat lamang na masigurado natin na ang bawat sentimo na ito ay napupunta sa mga bagay na mahahalaga.
Sa pagbili ng mga produkto at serbisyo, marami tayong mga bagay na isinasaalang-alang katulad ng kalidad at presyo,
At upang maiwasan natin na tayo ay maloko ng ibang nagtitinda, ito ang ilang mga katangian na dapat nating taglayin bilang mga mamimili.
- Pagiging mapanuri
Ito ay isang katangian na mahalaga para makapili tayo ng mga produkto na mas mabuti at sulit sa ating ibinayad. Sa pagiging mapanuri, malalaman natin ang mga bagay tulad ng sangkap, presyo, timbang, at expiration date ng isang produkto. - May Alternatibo o Pamalit
Kapag walang sapat na pera o limitado ang iyong budget, dapat tayo ay may alternatibo na ang value ay tulad sa kung ano ang ating kailangan. Minsan, nagkakaroon din ng isang shortage. - Hindi nagpapadaya
Maging alerto, handa, at mapagmasid dahil hindi sa lahat ng oras tayo ay makakatapat ng tindero o tindera na may mabuting intensyon. Siguraduhing tama ang sukli at ang timbangan ay walang daya. - Makatwiran
Ang isang mamimili ay makatwiran kapag inuuna niya ang mga kailangan bagay kumpara sa mga luho. Masusi din niyang tinitingnan ang presyo kung ito ba ay nararapat sa kalidad ng produkto o hindi. - Sumusunod sa Badyet
Ito ay may kaugnayan sa pagiging makatwiran. Siya ay hindi nagpapadala sa pagka-popular ng isang produkto. Tinitiyak niya na ang kanyang budget ay tama lamang para sa kanyang kailangan at mahahalagang bagay. - Di Nagpapanic-buying – Ito ay dahil alam ng isang matalinong mamimili na ang pagpa-panic buying at hoarding ay nakakapagpalala lamang ng artipisyal na kakulangan.
- Di Nagpapadala sa Anunsiyo
Hindi madaling madala sa mga anunsyo. Mas inuuna niya ang kalidad kaysa sa artista o tao na nage-endorse nito.
READ ALSO:
- Uri Ng Panlapi At Mga Halimbawa Nito
- Halimbawa Ng Pasukdol – Mga Halimbawa Ng Pasukdol Na Pangungusap
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.