Pagpapahalagang Pilipino – Ano Ang Mga Ito?

Ano ang mga pagpapahalagang Pilipino? Alamin dito.

PAGPAPAHALAGANG PILIPINO – Ano-ano ang mga pagpapahalaga o value ng mga Pilipino? Alamin dito at pag-aralan.

Likas sa mga Pilipino na maging mabuting tao sa kapwa at lalo na sa pamilya. Natatangi ang ating mga pagpapahalaga o value.

Pagpapahalagang Pilipino

Ang mga pagpapahalaga o mga value na ito ang sukatan at pamantayan ng tama, kanais-nais, o hindi karapat-dapat na mga gawi o asal. Ito ang pamantayan kung angkop o hindi ang asl ng isang tao sa isang sitwasyon.

Ang tatlong elemento ng pamanayan ay halaga (evaluative core), asal (expressive core), at diwa (spiritual core).

PAGPAPAHALAGANG ESPIRITWAL

Ang pagiging relihiyoso ay likas sa mga Pilipino at ito ay makikita sa mga ating mga paniniwala, tradisyon, at uri ng pamumuhay. At ilan sa mga paraan na nagpapakita ng ating mga pagpapahalaga sa itong aspeto ay pagsisimba, pagpapahalaga sa kasal, pagdalo sa simbang gabi, pagdiriwang ng mga kapistahan, pag-alala sa semana santa, pag-alala sa mga patay sa araw ng mga patay, pagbibinyag, at marami pang iba.

PAGPAPAHALAGANG PANLIPUNAN

Ito ay tumutukoy sa mga paraan ng ating pakikitungo sa ating kapwa. Ilan sa mga ito ay ang ating pagbibigay halaga sa ating pamilya, pagbibigay galang sa mga matatanda, pagiging magiliw sa pagtanggap sa mga bisita, pagiging matulungin, at pagpapahalaga sa edukasyon.

PAGPAPAHALAGANG PAMPULITIKA

Maraming mga Pilipino ang nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bansa. Sa pagpapahalagang ito, pinapahalagahan natin ang ating kalayaan, pagkakapantay-pantay ng mga tao, at matapast na paglilingkod sa bayan.

PAGPAPAHALAGANG PANGKABUHAYAN

Pangarap nating lahat na magkaroon ng maganda at maayos na pamumuhay kaya lahat tayo ay nagsisikap sa buhay.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment