Dahilan Ng Pandarayuhan: Ano Ang Pandarayuhan At Mga Dahilan Nito?

Alamin kung ano mga posibleng dahilan ng pandarayuhan at ang ibig sabihin nito.

DAHILAN NG PANDARAYUHAN – Maraming mga kadahilanan kung bakit ang isang tao ay nandadayo at ito ang mga dahilan nito.

Ano ang tawag sa paglipat ng lugar at bakit ang isang tao o grupo ng tao ay lumilipat?

Ang paglipat-lipat ng pook bunga ng iba’t ibang mga dahilan ay tinatawag na pandarayuhan. Ito at maaring pansamantala lamang o permanente na.

Ito ay may dalawang uri: panloob at panlabas.

Dahilan Ng Pandarayuhan

Ang panloon na pandarayuhan ay ang paglipat na sa loob lamang ng bansa. Maaring ang tao o grupo ng tao ay lilipat lang mula sa kanyang lugar papunta sa isang bayan, pook, lalawigan, o rehiyon,

Ang panlabas naman ay ang paglipat sa ibang bansa para doon na rin manirahan.

Ito ay may iba’t ibang dahilan at ito ang ilan sa mga dahilan na ito:

  • Kalagayang Pangkabuhayan
    Ang kahirapan ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang tao ay lumilisan. Lahat tayo ay gustong umunlad ang buhay at kadalasan, ang tao ay lumilipat kung saan sa palagay nila ay matatagpuan ang kaginhawaan.
  • Kalamidad
    Ang mga kalamidad ay misang nagpwe-pwersa rin sa mga tao na lisanin ang lugar. Ito ay para sa kanilang kaligtasan sa buhay.
  • Kapayapaan at Kaayusan
    Ito ang isang malaking dahilan – naghahanap tayo ng payapang lugar upang mamuhay ng payapa. Hindi ito nabibili ng salapi at kung makahanap ang tao ng lugar na makapagbibigay sa knaa ng mga bagay na ito ay hindi na siya lilisan pang muli.
  • Edukasyon
    Ang edukasyon ay isa sa mga dahilan upang makakuha ng magandang antas ng edukasyon. Maraming mga kabataan din ang lumalahok sa mga exchange programs.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment