TANKA AT HAIKU HALIMBAWA – Talakayin ang ibig sabihin ng tanka at haiku at magbigay ng mga halimbawa ng mga ito.
Ang tanka ay isang uri ng tula ng mga Hapon. Ito ay short poem o maikling tula. Sa kabilang banda, ang haiku ay isang uri ng maikling tula na binubuo ng tatlong taludtod na may 5-7-5 na sukat. Ito ang mga halimbawa.
Tanka At Haiku: Mga Halimbawa At Kahulugan Nito
Ano Ang Tanka At Haiku? (Sagot)
TANKA AT HAIKU – Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano ang kahulugan ng mga uri ng panitikan na ito at mga halimbawa.
Sila ay galing sa bansang Japan. Sila ay mahalagang parte ng kultura ng Japan at ginagamit pa rin ang mga ito hanggang ngayon.
Ano ang Haiku?
Ito ay maikling tula na gumagamit ng tatlong linya at 5/7/5 na pantig.
Ano Ang Tanka?
Katulad ng Haiku, ang Tanka ay sumusunod sa 5/7/5 na pantig, ngunit, gumagamit ito ng dalawa pang linya para maging 5/7/5/7/7.
Halimbawa Ng Haiku:
Naku gabi na
Dapat tulog na ako
Sa bukas naman
Wala nang iba
Ikaw lamang, Sinta ko
Ang nasa puso
Ang kagubatan
Dapat ay protektahan
Dapat ingatan
Halimbawa ng Tanka:
Ang kabataan
Ay pagasa ng bayan
Dapat ingatan
‘Di binabale wala
Upang may mapapala
Ang mga ilaw
Na lumaban sa dilim
Dapat ingatan
At nakasindi parin
‘Yan ay ating tandaan
Araw na mulat
Sa may gintong palayan
Ngayon taglagas
Di ko alam kung kelan
Puso ay titigil na
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
Like this article? READ ALSO: Haiku – What Is The History Behind Haiku? (Answers)