Pamilang Na Pangungusap – Ano Ang Pamilang Na Pangungusap?

Mga halimbawa ng pamilang na pangungusap. Alamin at pag-aralan.

PAMILANG NA PANGUNGUSAP – Ito ang kahulugan ng pamilang na pangungusap at mga halimbawa nito.

Ang pamilang na pangungusap ay nakakatulong sa pagtuko kung ilan ang ang inilalarawan ng paksa. Ito gumagamit ng mga tiyak na salita hindi tulad ng “marami” o “konti”, mga salitang hindi tiyak at masyadong malawak.

Pamilang Na Pangungusap

Halimbawa:

  • 5 + 5 = 10
  • May sampung prutas ako na bitbit – limang mansanas at limang saging.
  • Si nanay ay kumuha ng limang basong tubig.

Ang mga pangungusap na ito ay gumagamit ng mga pang-uring pamilang o ang uri ng pang-uri na naglalarawan ng bilang o dami. Ang mga pang-uri na ito ay isa, dalawa, tatlo, una, pangalawa, pangatlo, at iba pa (so on and so forth). Ang pang-uri na ito ay nagsasaad ng bilangdami, o posisyon ng pangngalan panghalip.

Ito ang mga uri ng pang-uring pamilang at mga halimbawa sa pangungusap:

  1. Kardinal (batayan ng pagbibilang)
    Halimbawa:
    Labin-dalawa ang saging sa basket.
    May apat na rosas sa lamesa.

  2. Ordinal (pagkakasunod-sunod ng pangngalan o posisyon)
    Halimbawa:
    Ako ay ay pangatlo sa magkakapatid.
    Si Whitey ang aking pangalawang aso.

  3. Pahalaga (tinutukoy ang pera)
    Halimbawa:
    Bilhan mo ako ng sampung pisong mani.
    May isang libong piso pa akong natitira sa aking sweldo.

  4. Pamahagi (pagbabahagi o pagbubuklod)
    Halimbawa:
    Nakatanggap kami ng tig-sampung libong Christmas bonus.
    Kailangan ko ng kalahating kilo ng harina.

  5. Palansak (pangkat-pangkat o pagsasama-sama)
    Halimbawa:
    Isa-isa lang kung mangitlog ang aking manok.
    Banye-banyera ang kanilang huling isda araw-araw.

  6. Tiyak na Bilang (ang bilang na hindi na madadagdagan o mababawasan)
    Halimbawa:
    Iisa lang ang iniibig ko.
    Dadalawa lang ang best friends ko.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment