ANG HATOL NG KUNEHO BUOD – Ito ang buod ng sikat na pabula na may pamagat na “Ang Hatol Ng Kuneho” at mga aral mula dito.
Isa sa mga aral na itinuro ng pabulang “Ang Hatol Ng Kuneho” ay ang pagtupad ng pangako at huwag basta-basta magtiwala sa kahit sino lang. Huwag nating sisirain ang tiwalang ipinagkaloob sa atin. Ito ang buod ng kwento!
Ang Hatol Ng Kuneho – Ang Buod Ng Kwento
Tungkol sa ano ang kwentong may pamagat Ang Hatol Ng Kuneho? Basahin dito.
ANG HATOL NG KUNEHO – Ang kwentong ito ay isang pabula at ito ang nilalaman nito.
Ang pabula ay isang uri ng panitikan. Ito ang mga kwentong kathang-isip lamang kung saan ang mga hayop o mga bagay na walang buhay ang mga pangunahing tauhan. Ang mga kwentong ito ay kapupulutan ng mga magagandang aral.
Ang tawag sa tao na sumusulat ng ganitong klaseng kwento ay pabulista. Ang mga elemento o bahagi na bumubuo nito ay tauhan, tagpuan, banghay, at aral. At isang pabula ang ating babasahin ngayon.
Tampok sa pabulang ito ang mga hayop na gumaganap bilang mga pangunahing tauhan. Ang titulo ng kwento ay Ang Hatol Ng Kuneho.
Basahin ang kwento:
Isang araw, noong mga panahong ang mga hayop ay nagsasalita pa, may isang tigreng naghahanap ng makakakain sa gubat. Ngunit sa kasawiang palad ay nahulog ito sa isang malalim na hukay. Walang nagawa ang tigre kaya’t nagmamakaawa itong sumigaw upang humingi ng tulong.
Hanggang kinabukasan ay may isang taong napadaan at nakita ang kanyang kalagayan. Nakiusap ang tigre sa tao ngunit ito ay nagdadalawang isip kung tutulungan ang tigre sapagkat baka sya ay kainin nito.
Nangako naman ang tigre na hindi nito kakainin ang tao, dahil na din sa awa ay tinulungan ng tao makaahon ang tigre. Ngunit ang gutom na tigre ay hindi tumupad sa pangako at akmang kakainin nya ang tao.
Nakiusap muna ang tao sa tigre na baka kung sakali ay humingi ng hatol sa puno kung sya ba ay dapat kainin ng tigre. Ipinaliwanag ng tao ang nangyari ngunit tila sang ayon ang puno na sya ay kainin ng tigre sa kadahilanang ang mga tao ang may kasalanan sa pag kaubos ng mga puno.
Muling humingi ng hatol ang tao sa napadaang Baka, ngunit katulad ng hatol ng puno ay ganoon din ang hatol nito.
Hanggang sa may isang mapadaang kuneho na lumulukso at ito naman ang hiningian ng hatol ng tao at tigre.
Ang suhestiyon ng kuneho ay muling nilang isalaysay ang nangyari sa pamamagitan ng pagpunta ng tigre sa hukay upang maibigay ang kanyang hatol.
Muli ngang nagpunta ang tigre sa hukay upang maibigay na ng kuneho ang hatol.
Ang hatol ng kuneho ay, “Magpatuloy na lamang ang tao sa paglalakbay at ang tigre ay dapat manatili na lamang sa hukay ng hindi na sila namomoroblema”.
Muli ay nagpatuloy na sa paglukso ang matalinong kuneho.
Ang isa sa mga aral na matutunan sa kwento na ito ay pagiging totoo sa mga salita at pangako na nabitawan mo. Isa pang aral ay ang pagbibigay ng tiwala. Huwag agad-agad magtiwala sa iba upang malayo ka sa kapahamakan.
READ ALSO:
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.