Ano ang nararapat na katangian ng isang lider? Alamin dito!
KATANGIAN NG ISANG LIDER – Ang isang tao ay maituturing nam iskang lider kapag taglay niya ang mga katangiang ito.
Sa isang grupo, iisa lamang ang maaring maging at maituturing na lider. Kapag lahat ay lider, maaring magkaroon ng kaguluhan at di pagkakaintindihan. At sa isang sitwasyon o problema man, ang isang lider o pinuno ay kailangang magtaglay ng mga kanais-nais na katangian.
Ang mga katangian na ito ang tutulong sa kanya na mamuno ng mabuti, patas, at may kapayapaan. Ito rin ang tutulong upang makamit nila ang tagumpay, katiwasayan, at kapayapaan sa nasasakupan.
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng isang lider? Upang may manguna at mangasiwa. Ang isang lider ang may alam kung ano ang patutunguhan ng isang pangkat at ang kalagayan ng kanyang mga tao ay nakasalalay sa kung paano sa namumuno.
Saan nga ba mahusay ang isang mabuting lider?
- Siya ay may respeto sa lahat. Kung ang pinuno ang marunong magbigay respeto sa lahat ng tao at lahat ng grupo, ang kanyang mga tao ay magiging marespeto rin at ito ay tutungo sa kapayapaan.
- Siya ay hindi puro salita kundi puro gawa. Ang mga salita ng isang pinuno ay mawawalan ng halaga kapag hindi ito nakikita sa kanyang mga gawa.
- Siya ay may isang salita. Ang isang pinuno ay marunong tumupad sa pangako at sa mga salita na kanyang nabitawan.
- Siya ay may kakayahan na magbigay ng solusyon sa mga kasalukuyan na mga isyuat problema. Ito ang isa sa mga pinakamahalagang katangian na dapat taglayin ng isang pinuno. Sa pamamagitan nito, mapapabuti niya ang kalagayan ng kanyang nasasakupan.
- Siya ay matapat. Siya ay hindi nagnanakaw at nararapat na ginagamit ang buwis ng mga tao para sa kanilang ikauunlad at ikabubuti.
- Siya ay may malalim na pang-unawa sa mga problema.
- Siya ay tagapagtaguyod ng sariling wika, tradisyon, sining, at kultura.
- Siya ay maalam sa responsibilidad ng kanyang posisyon na kinalalagyan.
- Siya mapagkumbaba at higit na binibigyang atensyon ang mga maliliit na tao.
- Siya ay magalang at may disiplina.
- Siya ay may natatanging kakayanan na mamuno at isakatuparan ang kanyang mga plano.
READ ALSO:
- Buod Ng Alibughang Anak (Buod Ng Kwento)
- Elements in Periodic Table: Here’s List of Elements, their Symbols and Atomic Number
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.