PANAHONG METAL – Ito ang mga importanteng kagamitan na natuklasan sa panahong ito at mga katangian ng panahon na ito.
Sa panahong ito, natuklasan ng mga tao ang paggamit ng mga iba’t ibang metal tulad ng copper, gold, iron, at bronze. Ito din ang panahon kung kailan ang mga sinaunang tao ay natutunang gumawa ng mga alahas at armas.
Panahon Ng Metal – Mga Pangyayari Sa Panahong Metal
Ito ang mga detalye na nangyayari noong panahon ng metal. Alamin dito!
PANAHON NG METAL – Ang panahon pagkatapos ng Panahon ng Bato ay ang Panahon Ng Metal at ito ang mga nalikha sa panahong ito.
Ang kauna-unahang metal na nadiskubre ay ang tanso na nadiskubre na nakahalo sa buhangin sa Ilog Tigris. Ito ay higit na matigas kumpara sa ginto at nahuhulma ng tao ang nais nilang mga bagay gamit ito. Ito ay unang nagamit sa Asia, Europe, at Egypt.
Sa panahong ito, ginagamit pa rin ang mga kagamitang gawa sa bato pero ang mga tao ay unti-unti nang pinapalitan ito. Mula sa bato, ang kanilang mga kagamitan ay unti-unti na naging gawa sa metal.
May tatlong yugto sa panahong metal at ang pangalan ng mga yugto na ito ay nakadepende sa materyales na nangunguna: Copper Age, Bronze Age, at Iron Age.
Sa panahon din na ito, ang metal ay hinahalo sa ibang sangkap na lumilikha ng metalurhiya at mas naging maunlad ang buhay ng mga tao. Lumitaw ang mas malalaking mga lungsod, pangangalakal, at paggawa ng mga mas komplikadong istrukturang panlipunan sa mga pamayanan.
Mga katangian nito:
- Pagkakaroon ng kaalaman sa pagmimina at pagtunaw ng bakal.
- Paglikha ng mga armas at mga palamuti.
- Pagkilala sa mga tao na eksperto sa pagpapanday at pagtunaw ng bakal.
- Pagkakaroon ng “barangay” at ang ang bawat barangay kay pinamumunuan ng isang datu, apo, timuay, o raha.
- Umunlad ang kalakalan at nakagawa ng mas malaking mga sasakyan pandagat upang mangalakal.
- Pag-usbong ng etno na kinabibilangan ng mga bikolano, b’laan, ilokano, ilonggo, mandaya, pampango, samal, subanon, sugbuhanon, tagalog, tausug, tiruray, waray, at yakan.
- Ang mga tao ay nagkaroon ng kaalaman sa medisina at kalinisan o hygiene.
- Nagkaroon ng pananampalatay sa Diyos ang mga tao.
- Nalikha ang mga kagamitang kutsilyo, sipat, pana, itak, at espada.
- Nadiskubre sa panahong ito ang tanso bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng patalim.
READ ALSO:
- Kahalagahan Ng Pagbasa – Bakit Ito Mahalaga?
- Philippine Map: Here’s Map of the Philippines & the Regions, Provinces
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.