Kasabihan Tungkol Sa Kalikasan (Mga Halimbawa)

Ito ang ilang mga halimbawa ng mga kasabihan tungkol sa kalikasan. Basahin dito.

KASABIHAN TUNGKOL SA KALIKASAN – Alamin kung ano ang ibig sabihin ng kasabihan at mga halimbawa nito na tungkol sa kalikasan.

Ang kasabihan ay mga maiikling pahayag na nagbibibigay ng payo o nagsasaad ng katotohanan. Ang mga salitang pinipili at ginagamit ay payak na madaling maintindihan ng mga mambabasa.

Kasabihan Tungkol Sa Kalikasan

Ito ay nakagawian na ng mga Pinoy kung saan ang mga pahayag na ito ay tungkol sa kanilang mga pilosopiya sa napakaraming bagay tulad ng personal na buhay, mga karanasan, at kanilang mga kaisipan mula sa kanilang pagmamasid-masid sa kanilang kapaligiran.

Ilan sa mga halimbawa nito ay:

Huwag kang magtiwala sa ‘di mo kakilala.

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.

Walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga.

Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganahan.

Ang tunay na pag-ibig sa bayan ay nasa pawis ng gawa.

At ito ang ilang mga kasabihan na ang paksa ay tungkol sa kalikasan:

Ang taong walang pagmamahal sa kalikasan ay walang pagmamahal sa sarili. Ang taong kinikitil ang kagandahan ng paligid ay pumapatay sa sarili niyang buhay.

Sa konsepto ng kalikasan mas mabuti ang hayop kaysa tao. Ang mga hayop ay mahal ang kalikasang tahanan nila, habang ang mga tao ay walang paikalam sa pagkasira ng kapaligiran.

Sa panahon ngayon, malinis na hangin at sikat na araw na lamang ang libre, pababayaan pa ba natin?

 Ang panahon ay parang pag-ibig, magbabago kapag hindi mo pinangalagaan nang tama. Masasaktan ka kapag hindi mo inaruga nang wasto. At maaaring ikamatay mo kapag hindi mo kinaya ang resulta.

Dalawa lamang ang kulay ng tagumpay—bughaw at luntian. Bughaw na langit at karagatan, luntiang daigdig at mga kagubatan.

Ang kalikasan ay hindi isang lugar na binibisita. Ito ay ating tahanan.


Ang kalikasan ay ang pinakamalaking puhunan ng mga negosyo. Kailangang ingatan ito dahil kapag nawala, babagsak ang ekonomiya ng mundo.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment