KAHALAGAHAN NG PAGBASA – Ang pagbasa ay isang mahalagang bagay na dapat na matutunan ng lahat. Alamin ang mga dahilan nito.
Ang pagbasa ay isang gawain na kinikilala, binibigyang kahulugan, at pagtaya ng mga ideya sa makalimbag na simbolo. Ito ay isang mabisang paraan upang linangin ng isang tao ang kanyang kasanayan sa pag-unawa ng teksto. Bakit nga ba ito mahalaga?
Bakit Mahalaga Ang Pagbasa? Ano Ang Mga Kahalagahan Nito?
Ano ang mga kahalagahan ng pagbasa? Alamin dito!
BAKIT MAHALAGA ANG PAGBASA – Ito ang mga dahilan kung bakit ang pagbasa ay mahalaga sa anumang aspeto.
Ang pagbasa ay isang mabisang paraan upang malinang ang ating mga kaalaman at mga kakayahan. Ang pagiging mahilig sa pagbasa ay may magpapalawak ng iyong kaalaman at masasagot ng pagbasa ang iyong mga katanungan sa buhay, sa edukasyon, at sa iba pang aspeto ng pagkatuto.
Ang pagbasa ang paraan kung saan makikilala ng mambabasa ang nais iparating ng manunulat sa pamamagitan ng mga sagisag at titik na nakalimbag sa mga pahina at naibibigkas sa pamamagitan ng pasalita.
Ito ay tulad ng pagkain, hindi mabubuhay ang isang tao ng walang kaalaman o impormasyon.
Ito ang mga dahilan kung bakit ang pagbasa ay isang mahalagang kaakibat upang mas maging marunong sa buhay:
- Mas tumatalino ang tao, bata man o matanda, dahil sa mga bagong impormasyon na kanyang natutunan.
- Mas nahahasa ang kaisipan.
- Nawawala ang pagkabagot kapag ikaw ay nag-iisa.
- Ang pagbabasa ay mas napag-iibayo ang iyong imahinasyon at sa pamamagitan ng imahinasyon, maari mong maranasan ang mga hindi mo pa naranasan.
- Mas lumalawak ang iyong pananaw sa buhay.
Ito ang ilan sa mga uri ng babasahin na makakapagbigay sa iyo ng mga bagong leksyon at kaalaman:
- Dictionary
- News paper
- Magazine
- Story books
- Encyclopedia
- Atlas
- Recipe books
- Science books
Upang mas maging mahilig ka sa pagbasa, dapat na maglaan ka ng kalahating oras na gawin ito araw-araw.
Ayon kay Johnston (2000), ito ay “isang kompleks o masalimuot na gawaing nangangailangan ng konsyus at di-konsyus na paggamit ng mga estratehiya o kasanayan gaya ng paglutas ng suliranin upang makabuo ng kahulugang ninanais ipahatid ng awtor. Bilang isang kompleks na prosesong pangkaisipan, ang mambabasa ay aktibong nagpaplano, nagdedesisyon at nag-uugnay ng mga kasanayan at estratehiyang nakatutulong sa pag-unawa.”
READ ALSO:
- What Is A Possessive Noun & Its Examples – Here’s A Guide…
- Kahalagahan Ng Pagmamahal Sa Bayan – Ano Ang Mga Ito?
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.