Ano ang mga kontribusyon ng Polynesia? Alamin dito!
KONTRIBUSYON NG POLYNESIA – Ito ang mga kontribusyon ng kabihasnang Polynesia sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.
Ang salitang Polynesia ay nangangahulugan na “maraming mga pulo”. Ito ay binubuo ng maraming pulo tulad ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn.
Ang kabuhayan dito ay umaangkop sa kanilang kapaligiran. Sila ay bihasa sa paglalayag at karamihan sa kanila ay sanay sa sonang tropikal habang ang mga Polynesian na naninirahan sa New Zealand ay sanay sa mahalumigmig na kapaligiran.
Ang kanilang mga bahay ay gawa sa kahoy, kawayan, at mga dahon ng saging. Nakasalalay sa pangingisda at pagtatanim ang kanilang kabuhayan. Ilan sa kanilang madalas na itanim ay taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo, at niyog.
Sa pangingisda, ang madalas nilang mahuli ay ay mga octopus, hipon, at tuna. Bukod sa pagkain para sa pang-araw-araw, ang ganitong mga uri ng kabuhayan ay nagagamit din nila sa pangangalakal sa ibang bayan upang makipagpalitan ng mga produkto.
Ang pangingisda at pagsasaka ang kanilang pangunahing pamumuhay hanggang sa kasalukuyan.
Ito ang ilan sa kanilang mga kontribusyon o ambag:
- husay sa paglalayag at karunungan sa paggawa ng barko at pag-navigate
- alam nila ang tungo ng mga alon sa pasipiko
- isa sila sa mga naunang ;gumamit ng astronomiya upang mag-navigate ng karagatan
- pagpapahalaga ng monogamiya o ang pagpapakasal ng isang beses
- pagtigil ng kanibalismo
- ang edukasyon sa kanila ay binubuo ng mga special trainings tulad ng paggawa ng canoe at pagta-tattoo
READ ALSO:
- Sa Mga Pilipino Author – Sino Ang Sumulat Ng “Sa Mga Pilipino”?
- Maikling Kwento Tagalog – Basahin Ang 5 Halimbawa
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.