WALANG SUGAT – Basahin at alami ang mga aral mula sa kwentong “Walang Sugat” na isinulat ni Severino Reyes.
Isa sa mga obra maestro ni Severino Reyes ay ang sarswelang pinamagatang “Walang Sugat”. At ilan sa mga aral mula sa kwento na maari nating matutunan ay ang pagpapatawad, pagpapakita ng paninindigan para sa mga mahal sa buhay, at paglaban sa ating mga karapatan.
Walang Sugat Buod: Ang Buod Ng “Walang Sugat” Ni Severino Reyes
Ano Ang Buod Ng “Walang Sugat” Ni Severino Reyes? (Sagot)
WALANG SUGAT BUOD – Heto na ang buod ng isinulat ni Severino Reyes.
Nagbuburda si Julia habang magkaharap kay Tenyong. Pagkatapos, biglang dumating ang kaibigan nitong si Lucas. Nagbalita siya na nadakip ang kanyang ama.
Sabi niya napagkamalan itong isang tulisan. Napatay ang kanyang ama na si kapitan Inggo at nais ni Teyong na maghiganti kahit hindi ito gusto ng kasintahan na si Julia at kanyang ina na si kapitana Puten.
Ngunit, ang dalawa ay walang nagawa. Nagkalayo sina Julia at Tenyong. At dahil dito, may dumating namang mangliligaw si Julia, isang mayang nag ngangalang Miguel.
Sa pagalaon ay itinakda ang kanilang kasal kaya si Julia ay nagpadala ng liham kay Lucas para ipaalam na siya ay ikakasal na. Ngunit, ang liham ay hindi na sagot ni Tenyong dahil biglang nagkaroon ng labanan.
Ibinilin na lang ni Tenyong na dadalo siya sa araw ng kasal ni Julia. Inakala ni Julia na patay na si Tenyong kaya labag man sa kanyang kalooban ay kaylangan niyang magpakasal kay Miguel.
Sa araw na mismo ng Kasal, dumating si Tenyong sa simbahan na duguan na anyong mamatay na. Pagkatapos nito, pinatawag ang kura upang makapangumpisal si Tenyong.
Ang huling kahilingan nito ay ikasal siya kay Julia. Pumayag naman si Tadeo ang ama ni Miguel at Juana, ang ina ni Julia dahil mamatay rin naman si Tenyong at makakasal rin ang kanyang anak.
Subalit, biglang bumangon si Tenyong at nag sigawang ang lahat ng Walang Sugat! Walang Sugat! Nilinlan lang pala ni Tenyong ang lahat upang siya ay makasal kay Julia.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
Like this article? READ ALSO: Buod Ng Ang Matanda At Ang Dagat Ni Ernest Hemingway