Ang Matanda At Ang Dagat – Buod Ng Kwento

Ito ang buod ng kwentong Ang Matanda At Ang Dagat ni Ernest Hemingway.

ANG MATANDA AT ANG DAGAT – Ang kwentong Ang Matanda At Ang Dagat ay isinulat ni Ernest Hemingway at ito ang buod ng kwentong ito.

Ang awtor ng nobelang Ang Matanda At Ang Dagat ay si Ernest Hemingway. Ito ay isinalin sa Filipino ni Jose Manuel Santiago. Ito ay isinulat ni Hemingway noong 1951 at nailabas noong 1952.

Ang Matanda At Ang Dagat

Ang mga pangunahing tauhan sa kwento ay si Santiago, isang masipag at matapang na matandang mangingisda, at Manolin, ang batang kaibigan ni Santiago na isa ring mangingisda.

Mula sa Panitikan, ito ang buod ng kwento:

Si Santiago ay isang mangingisda na 84 araw nang walang nahuhuling isda. Sa kanilang paniniwala, napakatinding kamalasan nito para sa kabuhayan na tinatawag nilang “Salao.”

Dahil sa kaniyang kamalasan at walang huli sa matagal na panahon, ang kaniyang kasama, ang nakababatang si Manolin ay hindi na pinasama sa kaniya ng mga magulang nito.

Ipinag-utos nila sa kanilang anak na sumama na lamang si Manolin sa iba pang mga mangingisda na mas mahusay kaysa kay Santiago.

Gayunman, kahit hindi na sila ang magkasama sa pagpalaot ay naging mabuting magkaibigan sila at patuloy na dinadalaw ni Manolin si Santiago sa kubo nito. Kinabukasan ay muling nangisda si Santiago ngunit mag-isa na lamang ito.

Nakabingwit siya nang napakalaking marlin. Dahil sa angking laki nito ay lubha siyang nahirapan sa pagkuha nito sa pamamagitan ng kaniyang lambat.

Hindi niya ito nahuli at naging duguan lamang ang marlin. Naakit ng dugo ng marlin ang isang pating na napatay naman ni Santiago sa kaniyang sariling diskarte.

Nakabalik si Santiago sa pampang at dumiretso agad sa kaniyang kubo. Naiwan sa kaniyang bangka ang kalansay ng malaking isda na nakita ng ilang mangingisda.

Nakita ito ni Manolin at inakalang napahamak na si Santiago sa kaniyang panghuhuli. Laking luwag sa kaniyang pakiramdam nang makita ang matanda sa kaniyang kubo habang natutulog.

Ang kwento ay sumasalamin ng mga pangyayaring totoong nangyayari sa buhay. At isang aral na mapupulot sa kwento ay pagpupursige kahit na wala nang naniniwala sa kakayahan mo.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment