Tulang Modernista – Isang Halimbawa Ng Tulang Modernista

TULANG MODERNISTA – Ito ang isang halimbawa ng isang tulang modernista na isinulat ni Alejandro G. Abadilla, isang sikat na manunulat.

Ang sikat na manunulat na si Alejandro G. Abadilla ay siyang nagpakilala ng tulang modernista sa panitikang Pilipino. Ito ay ang isang pagsulat ng tula na may kalayaan dahil wala itong sinusunod na sukat at tugma.

Katangian Ng Tulang Modernista – Ano Ang Mga Katangian Nito?

Alamin ang mga katangian ng tulang modernista at ang halimbawa nito.

KATANGIAN NG TULANG MODERNISTA – Talakayin natin ang kahulugan at halimbawa ng tulang modernista at kung ano ang mga katangian nito.

Ang tula ay isang uri ng panitikan na may ritmo at metro. Ito ay may apat na uri na naayon sa kung paano ito ginawa. Ang apat na uri ay ang mga sumusunod:

Katangian Ng Tulang Modernista
  • Tulang Damdamin o Tulang Liriko
    • Awit
    • Soneto
    • Oda
    • Elehiya
  • Tulang Damdamin o Tulang Liriko
    • Epiko
    • Awit/Korido at Kantahin 
  • Tulang Patnigan
    • Balagtasan
    • Karagatan 
    • Duplo 
    • Fliptop o Battle Rap 
  • Tulang Pantanghalan o Padula

At isang uri ng uso o kadalasan na ginagamit sa panahon ngayon ay ang tulang modernista. Ito ang tula na walang sukat at tugma. Kadalasan, ang nilalaman nito ay kadalasan tungkol sa karanasan ng mga manunulat.

Wala itong tugma sa hulihan ng mga salita sa bawat linya at walang isang sukat na sinusunod. Isa pang katangian ng tulang ito ay hindi ito gumagamit ng matatalinhagang salita.

Sa madaling salita, ang tulang ito ay hindi sumusunod sa tiyak na pamantayan sa pagsulat ng isang tula. At ang manunulat na nagpasimula ng ganitong uri ng tula ay si Alejandro G. Abadilla.

Basahin ang tula “Ako Ang Daigdig” na isinulat ni Alejandro G. Abadilla, isang halimbawa:

I
ako
ang daigdig

ako
ang tula

ako
ang daigdig
ang tula

ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig

ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig

II
ako
ang daigdig ng tula

ako
ang tula ng daigdig

ako
ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula

ako
ang tula
sa daigdig

ako
ang daigdig
ng tula

ako

III
ako
ang damdaming
malaya

ako
ang larawang
buhay

ako
ang buhay
na walang hanggan

ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay

damdamin
larawan
buhay
tula
ako

IV
ako
ang daigdig
sa tula

ako
ang daigdig
ng tula

ako
ang daigdig

ako
ang tula

daigdig
tula

ako

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment